^

Pang Movies

Pokwang at dyowang kano, baliw na baliw sa isa’t isa

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Hiyang na hiyang ang dyowa ni Pokwang na si Lee O’Brien sa bansa. Kitang-kita na nagdagdag ito ng timbang sa guesting ng mag-sweetheart sa show ni  Kris Aquino na Kris TV.

Nagkataon pang hindi mahirap pakainin ang imported bf ng komedyante  at sarap na sarap sa mga inihahain ni Pokie. Talagang sobrang haba ng hair ni Pokwang dahil love na love ang Canadian actor na willing gawin ang lahat para sa relasyon nila ng komedyana.  Hindi lang daw ang mga Pinoy ang pinatatawa nito kundi si Lee ay aminadong natatawa raw sa pakwela ni Pokie.

Kung tutuusin hindi lang si Pokwang ang naka-jackpot sa Canadian actor, kundi pati si Lee dahil good catch siyempre Pokie na 16 years na walang dyowa at nagtiyagang matigang ng ganun katagal.

Aminado rin si Lee na pretty daw si Pokie inside and out. ‘Di ba naman kundi sarap ngang sabunutan ang kagandahan ni Pokie na hindi lang  maganda ang career kundi pati ang love life.

Direk Paul naiyak sa panalo ni Buboy sa Guam

Naiyak pala si Direk Paul Soriano nang matanggap niya ang trophy ni Buboy Villar nang manalo ito bilang Best Achievement in Acting  sa Guam Film Festival na katumbas ay Best Actor na rin sa ating bansa.

Hindi raw nagsisisi si Direk na si Buboy ang napili nitong gumanap bilang si Manny Pacquiao sa ginawa nitong movie na Kid Kulafu. Nominated muli si Buboy bilang best actor sa gaganaping film festival  sa Tokyo sa October 27.  Mismong ang award giving body daw ng filmfest sa Tokyo ang nag-imbita kay Buboy na dumalo sa nasabing awards night. Ipinangako naman ni Paul sa magulang ni Buboy na hindi niya pababayaan ang anak sa pagpunta nila sa Tokyo.

Hindi naman makapaniwala si Buboy na nanalo siya ng Best Actor sa ibang bansa at thankful din sa pagtitiwala ni Direk Paul sa kanya.  Hindi naman siya umaasa na mananalo muli sa filmfest ng Tokyo. Sapat na raw na ma-nominate siya. Malaki na umano itong karangalan para sa kanya.

Samantala, tapos nang gawin ni Buboy ang  bagong pelikula nito  na Old Skool kasama sina Tessie Tomas at Angel Aquino. Kasama pa rin siya sa cast ng The Half Sisters ng GMA 7.

Senior high school na siya next year at imbes na mag-enrol siya sa regular school, balak nitong pumasok sa Alternative Learning School o ALS.

Nangangarap maging director balang araw si Buboy at gusto niyang matutunan ang kursong ito para raw maging handa siya balang araw.  Na-inspire din kasi siya sa husay ni Direk Paul at na-enjoy niya ang pagtatrabaho sa likod ng kamera.

ALIGN

ANG

BEST ACTOR

BUBOY

DIREK PAUL

HINDI

LEFT

NBSP

POKWANG

QUOT

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with