^

Pang Movies

Jane malalagay ang buhay sa alanganin

Pang-masa

MANILA, Philippines - Haharapin na nina Jane Oineza (Corrine) at Jerome Ponce (Ryan) ang pinakamalaking pagsubok na yayanig sa kanilang pagsasama sa huling tatlong linggo ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.

Mas titindi pa ang kwento dahil malalagay sa panganib ang buhay ni Corrine habang ipinapanganak ang kanilang baby ni Ryan.

Sa pag-aagaw buhay ni Corinne, magiging daan kaya ito sa pagkakaayos o tuluyang pagkasira ng relasyon ng kanyang mga magulang na sina Leandro (Christian Vasquez) at Cecilia (Vina Morales)?

Ang matinding laban ni Corrine laban sa kamata­yan ay isa lamang sa mga eksenang hindi dapat palagpasin sa makulay na kwento ng pag-ibig na umiikot sa buhay nina Cecilia (Vina Morales), Toni (Denise Laurel), at Leandro (Christian Vasquez) na malapit ng matuldukan matapos ang ilang buwan ng maiinit na mga pagtatagpo.

Sa loob ng anim na buwan, tinutukan ng mga manonood ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita kaya naman laging pasok ito sa top 20 most watched television shows nationwide ngayong Setyembre, ayon sa datos ng Kantar Media.

Mas lalo ring kumapit ang manonood nang mapabilang ang mga karakter na ginagampanan nina Richard Yap at Manolo Pedrosa sa pag-extend ng serye na lalo pang nagdagdag ng drama sa kwento.

Makakalusot kaya si Corinne sa kamatayan? Ito na ba ang wakas ng pag-iibigan nila ni Ryan? Huwag bumitaw sa nalalabing tatlong linggo ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, araw-araw, sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Magkakaroon din ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita Songs from the Heart official soundtrack digital album na naglalaman ng debut version ng kantang Pag-ibig nina Vina Morales at Denise Laurel pati na ang Walang Iba na kinanta naman nina Jane, Loisa, Jerome Ponce, at Joshua Garcia. 

Ang official digital album ay mabibili simula Oktubre sa iTunes, Spotify, at Starmusic.ph. Ang digital album ay handog ng Star Music. 

Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, maglog-on lamang sa www.abs-cbn.com, o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

 

vuukle comment

ANG

CECILIA

CHRISTIAN VASQUEZ

CORRINE

DENISE LAUREL

JANE OINEZA

JEROME PONCE

JOSHUA GARCIA

NASAAN KA NANG KAILANGAN KITA

RYAN

VINA MORALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with