Nangangamoy box-office hit AlDub nation willing gastusan ang pelikula nina Alden at Maine
Nahigitan pa ng AlDub Nation ang pinangako nilang 10 million tweets para sa hashtag na #ALDUBMostAwaitedDate noong nakaraang Sabado sa kalyeserye ng Eat Bulaga.
Ang ikatlong pagkikita nila Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub ay binasag ang nakuha nilang 10 millions tweets at bago mag-alas dose ng gabi ay umabot ng 12 million tweets ang nasabing hash tag!
Ito na nga ang masasabing pinakamaraming nakuhang tweets para sa isang hashtag sa loob lamang ng 24 hours.
Ang nakakatuwa pa ay date lamang ito na walang usapan at hawakan, pero ganyan na karaming tweets ang nakuha. Paano kung totohanan na at mapapanood na nga sila sa pelikulang My Bebe Love sa December 25?
Challenge nga sa AlDub Nation na pumila at bumili sila ng ticket sa opening ng My Bebe Luv sa darating na Pasko.
Patunay ito na hindi lang sila sa social network nagkakaisa kundi pati na rin sa pelikula ng dalawa.
Marami na nga raw ang nag-iipon na para sa pagbukas ng My Bebe Love sa Pasko.
Willing daw silang gumastos sa presyo ng movie ticket ngayon para lang mapanood sa big screen sina Alden at Yaya Dub.
Kaya hindi malayong maging top-grosser ang My Bebe Love dahil sa AlDub loveteam at siyempre, sa tambalan pa nila Vic Sotto at AiAi delas Alas.
Katrina kuntento na sa supporting roles lang basta may maipakain sa anak
Graduate na raw si Katrina Halili sa pagpapakita ng kanyang alindog kaya pinapaubaya na lang daw niya ang pagpapa-sexy sa mga baguhan.
Naranasan na raw niya ang umani ng tagumpay dahil sa sexy niyang katawan noon. Ngayon ay isang mother na siya, kuntento na siya sa umaarte na lang sa mga teleserye.
“Nandito na ako sa point ng buhay ko na ang importante ay masaya ako at ang anak ko.
“As long as kaya kong buhayin si Katy, ‘yan ang makakapagsabi na naging mabuti akong ina.
“Thankful ako sa GMA kasi hindi nila ako nakakalimutang bigyan parati ng projects.
“Tulad nito, after ng The Rich Man’s Daughter, sinama ako sa Destiny Rose na isa ring kakaibang teleserye na tungkol naman sa isang transwoman,” sey pa ni Katrina.
Walang issue kay Katrina kung puro mga kontrabida roles ang binibigay sa kanya.
“Nasubukan ko na kasing maging bida noon at tama na ‘yon.
“Kapag support ka lang kasi or kontrabida, walang masyadong pressure. Hindi nakasalalay sa iyo ang takbo ng teleserye.
“Tsaka enjoy ako doing kontrabida roles. Dito naman ako nakilala talaga at minamani-mani mo lang, ‘di ba?” ngiti niya.
Masaya si Katrina para kay Ken Chan dahil nabigyan na ito ng pagkakataon na magbida sa isang teleserye. Binibigyan nga raw niya ng tips ito kung paano maglakad at kumilos na parang tunay na babae.
“Ang peg naman ni Ken dito ay girl siya at hindi bading. Kaya tinuturuan namin siya ni Sheena (Halili) at Ate B ng kilos ng babae.
“Nakakatuwa siyang turuan kasi mabilis siyang maka-pick-up.
“In fairness, pareho kami ng katawan noong hindi pa ako nanganganak! Ha! Ha! Ha! Ha!” tawa pa niya.
Happy na single parent naman si Katrina. Ang ama nga ni Katy na si Kris Lawrence ay nandiyan naman daw at hindi nakakalimot sa obligasyon bilang ama.
Kalebel si Pope Francis Taylor Swift pasok sa 50 World’s Greatest Leaders
Kasama si Taylor Swift sa nilabas ng Fortune Magazine na 50 World’s Greatest Leaders of 2015. Nasa number 6 spot ang award-winning multi-platinum singer and songwriter.
Ayon pa sa Fortune, ang naturang pop star “is a powerful leader with the ability to change the world.
“These extraordinary men and women are transforming business, government, philanthropy, and so much more.”
Hinangaan ng Fortune kay Taylor ay ang pagiging business-minded nito pagdating sa kanyang mga pinaghirapang mga songs. Noong 2014 ay inalis niya ang kanyang entire catalog sa digital music streaming service na Spotify dahil hindi raw naku-compensate ang mga artists.
“The singer took steps to trademark some of her key phrases (think “This sick beat”), devalued paparazzi snaps by posting her own photos to Instagram, and, just this week, made the news for buying up any adult-sounding web domains that include her name. She’s become a massive cultural influencer-exemplifying the exact model of leadership that forms the basis of this year’s list,” ayon pa sa Fortune.
Ang mga nakasama ni Taylor Swift (6) sa Top 10 ay sina Tim Cook (1); Mario Draghi (2); Xi Jinping (3); Pope Francis (4); Nerandra Modi (5); Joanne Liu (7); John Roberts Jr. (8); Mary Barra (9) and Joshua Wong (10).
- Latest