^

Pang Movies

Putok din sa buho Julia walang takot sa Diyos!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nalungkot naman kami sa aming nabalitaang ini­urong na ni Dennis Padilla ang kanyang pagpigil sa anak na si Julia Barretto na alisin na ang apelyido ng kanyang (ama) Dennis sa lahat ng kanyang mga legal documents. Noong una lumaban si Dennis sa ginagawang pagtatakwil ng anak.

Palagay naman namin, maliban sa katotohanang hindi maganda ang kanyang career sa ngayon, at ina­amin naman niyang hindi niya masustentuhan nang husto ang kanyang mga anak kay Marjorie Barretto, walang masamang ginawa si Dennis para itakwil siya ng kanyang mga anak.

Hindi masasabing dahil lamang iyon sa career, dahil sa kanya namang screenname, talagang Barretto na ang ginagamit ni Julia. Ok lang iyon dahil screen name lang naman iyon, pero iyong itakwil mo ang tatay mo, at ipaalis mo pa ang kanyang pangalan sa lahat ng iyong legal documents, ibang usapan na iyon at siguro kailangan maipaliwanag nang husto ni Julia kung bakit niya ginagawa ‘yun. Kung hindi niya iyon maipapaliwanag nang maayos, mas matindi pa iyon kaysa sa sinabing pag-snob niya sa mga fans sa London. Mas matindi iyan kaysa sa tsismis na nakikipag-date siya kay James Reid. Baka iyan na ang maging pinakamatinding issue sa kanyang career.

Sinasabi ngang ang mga Pilipino ay maka-ina, pero hindi natin maikakaila na mahirap yatang tanggapin ng mga Pinoy iyong itinatakwil mo ang ama mo. Sa kultura’t kaugalian kasi natin mapagmahal tayo sa magulang. Dito nga lang sa atin, talagang inaalagaan ang mga magulang hanggang sa pagtanda nila. Hindi tayo kagaya ng iba na kung ang mga magulang ay matanda na at wala nang pakinabang ay ipinapasok na lang at iniiwan sa isang nursing home.

Palagay namin, ang mga Pilipino ay sineryoso talaga ang utos ng Diyos na mahalin mo ang mga magulang mo. Hindi naman sinabing mahalin mo at irespeto ang magulang mo kung kaya ka lamang tustusan o may pakinabang ka. Basta ang utos ay mahalin at igalang mo ang mga magulang mo, ano man sila.

Oras na ipagkaloob na ng korte ang kahilingan ni Julia Barretto na alisin sa lahat ng kanyang mga legal documents ang apelyido ng tatay niya, ewan kung papaano niya ipapaliwanag iyon. Hindi naman puwedeng ang isang tao ay walang tatay. Ano iyon putok sa buho?

Baho ni Pastillas girl, unti-unting sumisingaw

Kailangan ba talagang halungkatin pa kung ano man ang mapait na nakaraan ng isang nag-aambis­yon lang namang makapasok sa showbusiness?

Pa­lagay namin masyadong malupit ang pagkakalabas pa ng kung sino mang may galit o inggit sa kanya ng nakaraan ni Pastillas Girl. Talagang inungkat pa lahat, at sinabing maski nga raw sa Miss Barangay natalo pa siya sa kanilang lugar.

Obvious na ang nagsabi noon ay hindi taga-show­business kung ‘di marahil ay isang kapitbahay ni Pastillas Girl sa Caloocan, dahil kung hindi bakit alam pati kung saan siya nakatira, ang negosyo ng nanay niyang si Aling Teteng, at ang nangyaring depression niya kaya nangyari ang isa pang bagay sa kanyang buhay na hindi niya sinasabi sa telebisyon.

Ang masakit pa, pati iyong isang lalaking nagpakita ng interest sa kanya ay siniraan din naman ng iba, at may mga sinabi ring madilim na nakaraan.

Talagang hindi mo maitatago ang mga nakaraan sa buhay mo, at kung minsan malupit nga kung inuungkat iyon sa mga panahong hindi na sana dapat na lumalabas.

ACIRC

ALING TETENG

ANG

HINDI

IYON

JULIA BARRETTO

KANYANG

KUNG

MGA

NIYA

PASTILLAS GIRL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with