Baby ni Marian ipinangalan sa isla
Got hold ng September, 2015 issue ng Hola Magazine Philippines na ang tinaguriang royal couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera muli ang cover. Second time na nila iyon at thankful sila sa glossy magazine na una silang naging cover last year bago sila ikinasal at ngayong malapit nang magsilang si Marian ng first baby nila ni Dingdong, muli silang ikinober na malaki na ang tummy ni Marian. Naitanong sa mag-asawa kung ano ang magiging name ng first baby nila.
“Her name is our first gift to her,” sagot ni Dingdong. “We agreed to announce it on September 26, at the baby shower. One of the nominees was Maria Athena because three years ago, we were in Balesin and I took a picture of Marian in one of the Mykonos villas called Athena. Stella was another name and so was Aurora.
“Maria Elena was another name, it was my grandmothers name,” sabi naman ni Marian.
So, saan ba talaga na-conceived si Baby Maria?
“In the most beautiful island in the world, and it’s in the Philippines, ganoon na lang,” tawa ni Dingdong.
Expected date of the stork ni Marian ay November 16, 17 or 18. Eh, ilan naman ang magiging ninong at ninang ni Baby Maria? Inilista na raw nila iyon noong nasa Amanpulo sila na birthday ni Marian at tig-sampu raw ang ninong at ninang, ang dami pa raw gustong maging ninong at ninang, biro ni Marian magkakaroon daw ng second batch.
Starstruck VI, nalagasan na
Twenty-eight finalists ang inihayag ng mga host ng Starstruck VI na sina Dingdong Dantes at Megan Young sa unang live telecast ng original artista-search sa Studio 7 ng GMA Network Annex. Hinati sa dalawang grupo, tinawag itong Dream 14 at Believe 14 at sabay-sabay silang haharap sa artista challenges at sa kanila kukunin ang Ultimate 14 na doon naman kukunin ang Ultimate winners sa pagtatapos ng search. Every Friday, sa live telecast, magkakaroon ng tanggalan, depende sa mga judges na sina Joey de Leon, Regine Velasquez-Alcasid, Jennylyn Mercado at this time kasama na rin sa council si Dingdong at sa mga text votes ng mga televiewers.
Masaya si Dingdong at nagpasalamat sa GMA na magiging part na naman siya ng pagtuklas ng mga bagong talents na someday ay magiging sikat din na mga artista. Pang-anim na kasi niyang paghu-host ito sa Starstruck na nagsimula in 2003.
Thankful din si Megan as the co-host of Dingdong, muli raw niyang nararamdaman ang nerbyos niya noon para sa mga finalists ngayon. Masaya siya na ang dalawa niyang shows sa GMA 7 na Starstruck VI bago ang 24 Oras at ang MariMar after 24 Oras na parehong mataas ang rating.
- Latest