^

Pang Movies

Papa Manny, winner ang ginawang pang-o-okray kay Mayweather!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Bentang-benta sa akin at sa lahat ang video ni Congressman Manny Pacquiao habang pinapanood niya kahapon ang boxing fight nina Floyd Mayweather, Jr. at Andre Berto sa Las Vegas, Nevada.

Nakadapa sa kama at binubu­tingting ni Papa Manny ang kanyang cell phone habang nagaganap ang Mayweather-Berto fight.

May caption ang video na “What I do when I’m bored hehehe” na mabilis na ni-like ng libu-libong tao sa buong mundo. Subtle pero malakas ang impact na pang-ookray ni Papa Manny kay Mayweather na asahan natin na magpapatutsada rin sa Pambansang Kamao. Hindi makakatulog nang mahimbing si Mayweather hangga’t hindi siya nakakapagtaray sa Pinoy boxing champ.

Hindi natin masisisi si Papa Manny dahil bo­ring naman talaga ang laban ni Mayweather at ng katunggali nito na nameless pa sa standard ko. Sa true lang, no offense meant, ngayon ko lang narinig ang pangalan ni Andre Berto na “the who” sa maraming Pilipino.

Boring na rin ang mga pagyayabang ni Mayweather na walang ipinapakita na bago. Nakakasawa na ang mga talak at pagbubuhat ni Mayweather ng sariling bangko.

Kilala ka lang ‘pag may kailangan direktor na forte ang manggamit, dinedma ng mga reporter

Dinedma ng mga reporter ang text message na natanggap nila mula sa isang direktor na nagre-remind na suportahan ang kanyang coming soon movie.

Hindi pinag-aksayahan ng panahon ng mga reporter ang direktor na may user-friendly image dahil nakakaalala at nakakakilala lamang ito kapag may kailangan sa kanila.

Ibinabalik ng mga reporter sa direktor ang ugali nito na hindi namamansin at parang utang na loob pa ng showbiz press kapag pumapayag siya na magpainterbyu tungkol sa kanyang mga pelikula na madalas naman na na­ngingit­log sa box-office.

Joey mas inuuna pa rin ang AlDub kaysa sa ibang trabaho

Ready na ako para sa presscon ng Celebri-TV ang entertainment talk show na replacement ng Startalk na nag-goodbye TV noong Sabado.

Mga co-host ko sa Celebri-TV sina Joey De Leon, Papa Ricky Lo, at AiAi delas Alas.

First time namin ni AiAi na magkakasama sa isang showbiz talk show kaya more or less, may idea na kayo sa mga kagagahan na gagawin namin sa Celebri-TV.

Knows ng GMA 7 Corporate Communications staff na hindi ako napapakinabangan tuwing gabi kaya merienda time ang pinili nila na oras ng presscon.

Hindi puwede na lunchtime ang press launch ng Celebri-TV dahil may Eat Bulaga pa si Papa Joey na big fan ng AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub. Gaya nang milyung-milyong Pilipino, can’t afford si Papa Joey na palampasin ang KalyeSerye ng Eat Bulaga. Si Papa Joey ang nakaisip na gamitin ang salitang Kalye­Serye sa hit na hit na segment ng undisputed number one noontime show ng bansa.

Balik-’Pinas na Pauleen handa nang pakiligin si Bossing sa EB

Bumalik na kahapon si Pauleen Luna mula sa dalawang linggo na biyahe niya sa Los Angeles, California.

Paalis si Pauleen nang aminin ni Vic Sotto sa isang presscon na engaged na sila.

Ngayong balik-Pilipinas na si Pauleen, nakaabang sa kanya ang mga reporter na gustong malaman nang personal ang reaksyon niya sa pasabog noon ng kanyang dyowa.

Excited na si Pauleen sa nalalapit na pag-iisang dibdib nila ni Bossing. Kita n’yo naman, isang wedding magazine ang binasa niya sa loob ng eroplano habang pabalik siya sa Pilipinas noong Sabado.

Mapapanood na uli ngayon si Pauleen sa Eat Bulaga kaya hinihintay ang mga eksena nila ni Bossing.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANDRE BERTO

ANG

CELEBRI

EAT BULAGA

MAYWEATHER

MGA

PAPA JOEY

PAPA MANNY

PAULEEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with