^

Pang Movies

Nadine nasa wild card ng MTV EMA, malamang makalaban ni James

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Taon talaga ng JaDine (James Reid-Nadine Lustre) loveteam ang 2015 dahil bukod sa humahataw sa ratings ang kanilang ABS-CBN teleserye na On The Wings of Love, parehong napansin sina James at Nadine sa 2015 MTV Europe Music Awards.

Maligayang-maligaya si James dahil nominated siya sa Best Asia Act award ng 2015 MTV EMA. Co-nominees niya sina Faizal Tahir (Malaysia), NOAH (Indonesia), Slot Machine (Thailand), Son Tung M-TP (Vietnam), at The Sam Willows (Singapore).

Pero may isang spot na natitira, ang seventh wild card nominee para sa nasabing kategorya at dito kasali si Nadine.

Malaki ang tsansa na si Nadine ang maging wild card nominee kung magsasanib-puwersa ang mga tagahanga niya sa pagboto sa kanya.

Magsisimula ang botohan sa darating na Lunes, September 14, sa ganap na  5:59 p.m. Singapore time sa pamamagitan ng tweet at text na may hashtag #MTVEMA.

Malalaman ang wildcard winners at nominees sa lahat ng kategorya ng MTV EMA sa September 15, 8 p.m.

Live na mapapanood sa buong mundo ang 2015 MTV EMA sa October 26, 3 a.m. (Thailand) at 4 a.m. (Malaysia, Philippines, at Singapore mula sa Mediolanum Forum sa Milan, the city of Expo 2015.

Pelikulang Felix Manalo tatlong oras ang running time

Malapit nang matapos ang editing sa Felix Manalo at ayon sa mga nakapanood sa rushes ng pelikula, napakaganda nito kaya hindi dapat palampasin ng moviegoers.

Tatlong oras ang running time ng e­pic movie ng Viva Films pero hindi raw ma­ka­karamdam ng pagkainip ang manonood dahil mabilis ang pacing at mahusay ang direksyon ni Joel Lamangan.

Very lucky talaga si Dennis Trillo dahil siya ang gumanap na Felix Manalo. Imposible na hindi manghinayang ang ibang mga aktor (na inalok para gampanan ang role ni Ka Felix pero hindi pumuwede dahil sa conflict sa kanilang mga schedule) kapag napanood nila ang ipinagmamalaki na pelikula ng Viva Films.

Dating actor na si Wowie Cruz ipinangalan ang anak kay FPJ 

Male ang gender ng bagong silang na anak ng former actor na si Wowie Cruz, ang panganay ni Rosemarie Sonora at ng yumaong aktor na si Ricky Belmonte.

Ronaldo Jesus ang name na pinili ni Wowie para sa kanyang bunso.

Ronaldo dahil ito ang tunay na pangalan ng kanyang tiyo na si Fernando Poe, Jr. at Jesus, ang real name ni Ricky Belmonte.

Hindi nahirapan si Wowie na mag-isip ng pa­nga­lan para sa kanyang baby boy dahil ‘yon ang pa­rangal niya sa namayapang ama at tiyo.

Hindi na active si Wowie sa showbiz dahil wor­king na siya bilang political officer sa opisina ng kan­yang pinsan na si Senator Grace Poe. Bago na­ging tauhan ni Mama Grace, matagal na naglingkod si Wowie sa senate office ni Senator Jinggoy Estrada.

Mother Lily sobrang workaholic, walang-wala sa hitsura ang na-dengue

Wala si Mother Lily Monteverde sa presscon ng Resureksyon noong Huwebes dahil kalalabas lamang niya mula sa ospital.

Kung napaaga siguro ang hospital check out ni Mother, baka sumaglit siya sa presscon ng Resureksyon bilang workaholic siya.

Ilang araw na na-confine sa ospital si Mother dahil sa dengue pero kahit nakaratay sa banig ng karamdaman, nagtatrabaho siya. Ganyan kasipag si Mother na walang-wala sa hitsura na nadale siya ng dengue.

ACIRC

ALIGN

ANG

DAHIL

FELIX MANALO

LEFT

NBSP

QUOT

SHY

STRONG

WOWIE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with