^

Pang Movies

Renz Valerio dinisiplina ng mga pulis!

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ngayong Sabado (Agosto 22) sa Magpakailanman, itinatampok si Renz Valerio sa kanyang natata­nging pagganap bilang Jommy A­rieta, isang 14 anyos na bata na dahil sa kawalan ng pag-aaruga ay nakita at naramdaman niya sa mga pulis ang pagkakaroon ng isang pamilya.

Kasama rin sa episode na pinamagatang Ang Inang Hindi Ko Kadugo Story sina Luz Valdez bilang Lola Evelyn, Yasmien Kurdi bilang Cathy, Zoren Legaspi bilang Jason, Sheila Marie Rodriguez bilang Ana, Archie Adamos bilang Cesar, Chinggay Riego bilang Nanay Emmy, JC Tiuseco bilang Eric, at Phillip Salvador bilang Chief.

Pagkatapos siyang pagmalupitan ng kanyang Lola Evelyn, lalong napunta sa maling landas si Jommy. Naging pasaway siyang bata dahil sa walang nag-aruga at nagdisplina sa kanya. Dahil sa nawala sa tamang landas si Jommy, nabarkada siya sa ibang batang palaboy. Natuto siyang magnakaw at mandukot. Hanggang sa isang araw ay nahuli siya ng mga pulis at ayaw naman na siyang tubusin ng kanyang lola.

Ngunit ito na pala ang magiging susi ng magandang buhay para kay Jommy. Dito niya nakita ang mistula niyang totoong pamilya kung saan ang mga pulis ang nagsilbing kaniyang mga magulang.

Tunghayan ang kuwento ng buhay ni Jommy Arieta ngayong Sabado sa Magpakailanman pagkatapos ng Pepito Manaloto, Ang Tunay na Kuwento sa GMA 7.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG INANG HINDI KO KADUGO STORY

ANG TUNAY

ARCHIE ADAMOS

BILANG

CHINGGAY RIEGO

JOMMY

JOMMY A

JOMMY ARIETA

LOLA EVELYN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with