^

Pang Movies

Nagta-tantrums kapag hindi nabili ang gusto: Kuripot na male TV host nabingwit ang ‘bilmoko girl’ na aktres

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nahuling magkasama ang isang female celebrity at isang male TV host sa isang malaking event kamakailan.

Sabay na dumating ang dalawa at hindi nga umalis sa tabi ng female celebrity ang male TV host. Obvious na nahuhumaling ang male TV host sa female celebrity kaya all through the night ay magka-holding hands sila.

May mga happy para sa dalawa dahil mukhang bagay naman daw sila at parang nagkakasundo ang kanilang personalities.

Pero may mga hindi pabor sa kanilang samahan dahil nakakawawa lang daw si male TV host sa female celebrity.

May reputasyon daw kasi si female celebrity na maging isang “Bilmoko Girl”.

Yung mga huling nakarelasyon daw ni female celebrity ay iisa lang ang naging reklamo rito. Masyado raw itong materyosa at kapag hindi napagbigyan ang gusto, nagta-tantrums daw ito at nagbabantang makikipaghiwalay.

Kaya laking gulat ng mga nakakakilala sa male TV host kung bakit naging girlfriend nito ang female celebrity na high maintenance.

Kilala kasi nilang kuripot ang male TV host. Hindi nga raw ito gumagastos sa kanyang sarili dahil marami siyang mga sponsor para sa kanyang mga damit, sapatos at maging ang mga pagbiyahe niya ay iba ang gumagastos.

Pakiramdam nila ay tinamaan si male TV host kay female celebrity kaya handa itong gumastos para lang ma-maintain niya ang mga pangangailangan nito.

Ang tanong ay hanggang kelan? Baka kapag naubos na ang pera niya, bigla na lang siyang iwan ni female celebrity tulad sa mga ginawa nito sa mga lalakeng hindi na kayang i-sustain ang expensive taste niya.

Lauren proud sa pang-iinis kay Megan

Naiiyak si Lauren Young kapag tinatanong siya tungkol sa estranged father nila ni Miss World 2013 at bida ng MariMar na si Megan Young.

Hanggang ngayon daw kasi ay hindi pa rin nakaka-move on masyado si Lauren noong iwan sila ng kanilang ama. Labis ngang nasaktan ang aktres dahil “daddy’s girl” daw siya.

Kaya pakiusap ni Lauren na kung puwede ay iwasan na lang na tanungin siya tungkol sa kanilang ama. Rason niya ay ayaw niyang may masabi siyang hindi maganda sa kanyang ama.

 “He is still my dad and I can’t say anything bad about him.

 “I just want to let time heal me and who knows na baka dumating ang time na okey na kami ulit at puwede ko na siyang pag-usapan na,” diin niya.

Nabaling ang usapan sa magandang takbo ng career ngayon ni Lauren.

Pagkatapos niyang gawin ang stageplay na No Filter, napili siyang gumanap na kontrabida ni Megan sa MariMar.

Noong unang i-offer daw kay Lauren ang kontrabida role na Antonia Santibanez, hindi nagda­lawang-isip pa itong tanggapin ang role.

 “This is my first time to work with Ate Megan. I cannot let this opportunity pass.

 “Kaya sa set ng MariMar, tinatakot ko siya. Kasi gusto kong gulatin si Ate sa gagawin ko sa kanya para mas natural ang dating at hindi rehearsed. So far, okey naman ang lahat and we’re not just working but bonding as sisters on this show.”

Fox News journalist na si Megyn Kelly at supermodel na si Heidi Klum sinupalpal si Donald Trump

Marami na ang naniniwala na isang sexist ang real estate tycoon na si Donald Trump.

Kahit na sinasabi niya na malaki ang respeto niya sa mga babae, lumalabas pa rin sa bibig nito ang pagi­ging isang “male chauvinist pig” towards women, lalo na sa mga babaeng alam niyang makaka-intimidate sa kanya.

Kelan lang ay naglabas siya ng rant laban sa Fox News journalist na si Megyn Kelly dahil sa mga questions nito sa nakaraang GOP debate.

Dahil sa pakiramdam niya ay napahiya siya ng isang babae, may dinamay pa siyang ibang babae para mainsulto niya.

Ang naging target naman niya ay ang walang kamuwang-muwang sa issue na si Heidi Klum.

Nagulat na lang ang supermodel at host ng Project Runway sa naging atake sa kanya ni Trump.

Ayon kay Trump: “Sometimes I do go a little bit far. Heidi Klum. Sadly, she’s no longer a 10.”

Marami ang nag-react on social media sa sinabing ito ni Trump sa supermodel. Pero may ginawa si Klum para patunayan lang kay Trump na hindi nito alam ang mga pinagsasabi niya.

Nag-tweet si Klum ng isang video at suot niya ang isang short na may nakalagay na number 10. Tapos ay may isang nakamaskara na Donald Trump sa likod niya na tatanggalin ang number 10 pero maiiwan ay 9.99.

Ang nilagay na caption ni Klum ay #TrumpHasSpoken #sadly #9.99 #NoLongerA10 #IHadAGoodRun #donaldtrump #HeidiTrumpsTrump #BeautyIsInTheEyeOfTheBeheld.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CELEBRITY

DONALD TRUMP

FEMALE

HINDI

ISANG

LAUREN

MGA

NIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with