^

Pang Movies

Dahil sa pagiging sakitin ng TV host: Movie nina Bistek at Kris, nanganganib maudlot

- Vinia Vivar - Pang-masa

Hindi pa rin ma-confirm ni Quezon City Mayor Herbert Bautista kung tuloy ba ang kandidatura niya bilang isa sa Senador under Liberal Party. Ayon kay Bistek nang makausap namin sa birthday party ni Mother Lily Monteverde last Wednesday night na ginanap sa Valencia Events Place, wala pa raw kasing announcement tungkol dito ang kanyang partido.

Basta sa ngayon daw ay may isa pa siyang termino for Mayor at kung hindi siya tatakbo sa Senado ay tatakbo siyang Mayor ulit for sure.

Pero kung sakali bang kasali siya talaga sa line-up ng LP for Senators, susundin niya ito or gusto pa rin niyang tapusin ang last term niya sa Quezon City

“Well, lahat ‘yan magdedepend sa agreements with the members of the party at saka ‘yung hierarchy ng party,” say ni Mayor.

Hindi pa raw kasi nagkakaroon ng meeting ang partido nila tungkol dito dahil naka-focus pa lang sila sa paghahanap ng Vice President ni Mar Roxas.?Pero kung siya ang papipiliin, mas gusto niya raw na maging re-electionist.

“Kasi it’s my last term, eh. Para full term, ‘di ba? Eh ‘yung clamor na ‘yun manggaling sa mga tao,” he said.?Natanong din namin kay Bistek kung tuloy pa ba ang pelikula nila ni Kris Aquino at say niya, depende rin daw ito kay Tetay.

“Lately kasi, ‘di ba, sabi nila nagkakasakit (si Kris), so depende talaga sa kanya at sa Star Cine­ma,” sabi ni Bistek.

Nakapag-day 1 na nga raw siya ng shooting at biro niya, hindi niya alam kung magkaka-day 2 pa. Pero sana nga raw ay matuloy na ang movie “para naman may trabaho ako,” pabirong sabi ni Bistek.

Lovi laging nagsusumbong sa puntod ni FPJ

Bilang paggunita sa kaarawan ng yumaong Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe, Jr. kahapon, Aug. 20 ay nagdaos ang kanyang anak na si Lovi Poe ng isang charity event na ginanap sa Childhope Asia Philippines, Paco, Manila kung saan ay 37 less fortunate children ang kanyang pinakain at binigyan ng gifts.

Anim na taon nang ginagawa ni Lovi ang ganitong charity event. Ayon sa aktres, kung nabubuhay daw ang kanyang ama, alam niyang ganito rin gustong ipagdiwang ng ama ang kaarawan nito.

“And more than my Dad’s birthday, matagal ko nang gustong bumalik dito (Childhope Asia), but dahil nga busy rin ako, sabi ni Tito Leo (Dominguez, her manager) itaon na lang daw namin sa birthday ni Papa.

“Gusto ko nga silang (mga bata) ilabas, hindi lang nabibigyan ng oras. Hopefully soon, if mabibigyan ng permission, gusto ko silang dalhin sa Enchanted Kingdom, ‘yun ang matagal ko nang gustong gawin pero dahil walang time, eto lang ang nagawa namin today,” sabi ni Lovi nang makausap namin kahapon sa nasabing charity event.

Aminado naman si Lovi na hindi na siya nagpupunta sa puntod ng ama pag ganitong kaarawan nito and usually ay mga ilang days after the birthday siya pumupunta. Pero lagi naman daw siyang dumadalaw sa grave nito.

Nagsusumbong siya sa ama?

“Oo naman no!” say niya na natatawa.”Pumunta na ko do’n at nagsumbong.”

Ano at sino ang sinumbong niya?

“Secret!” Tawa siya.

Eleven years na raw na namamayapa ang ama at kung nabubuhay ito ay 76 yrs. old na ito. Nami-miss niya raw siyempre ang ama pero matagal na rin naman daw niyang natanggap na wala na ito at hindi na niya makakapiling pa.

Mga pelikulang nasagip ng ABS-CBN, may exhibit!

Panoorin ang mga lumang pelikulang Pilipino in full HD o high definition format sa gaganaping REELive the Classics film exhibition simula Agosto 26 hanggang Setyembre 1 sa Rockwell Cinema 5.

Sa unang pagkakataon ay ipapalabas sa publiko sa loob ng isang linggo ang restored films ng ABS-CBN Film Restoration Project sa pakikipagtulungan sa Rockwell Cinemas.

“Natutuwa kami na nakikiisa ang Rockwell sa aming proyekto at ang espesyal na mga screening sa kanilang sinehan ay magbibigay pagkakataon sa mga manonood na ma-enjoy ang mga pelikula sa kung paano ito nakita ng mga may likha nito.

Sana simula pa lang ito ng marami pang exhibitions namin ng restored films,” sabi ni Leo Katigbak, head ng ABS-CBN Film Archives and Restoration.

Balikan ang pelikula tulad ng Sarah Ang Mun­ting Prinsesa at Got To Believe na ipapalabas sa unang pagkakataon. Mapapanood din ang iba pang titulo tulad ng Sana Maulit Muli, One More Chance, Oro Plata Mata, T-Bird at Ako, Karnal, Hindi Nahahati Ang Langit, at Tanging Yaman.

Taong 2011 nang simulan ng ABS-CBN Film Restoration Project ang pagre-restore ng classic films para mapanatiling buhay ang cinematic history ng mga Pilipino. Katuwang ang Central Digital Lab, ito ang pinakaunang restoration na ginawa mismo sa bansa.

Mahigit 100 titulo na ang nai-restore ng ABS-CBN Film Restoration Project kung saan ilan sa mga ito ay naipalamas na sa international film fests, naipalabas sa bansa via red carpet premieres, naere sa free-to-air at cable television, natunghayan sa pay-per-view at video-on-demand, nabili sa DVD at na-download maging sa iTunes.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BISTEK

FILM RESTORATION PROJECT

ITO

KUNG

LOVI

MGA

NIYA

PERO

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with