^

Pang Movies

Tom at Megan parehong magpapa-elya

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Naku, ‘di kami magtataka kung after August 24, heto, magsisimula na naman ang maraming magpapakasal, mag-li-live in, magtatanan o kaya marami na namang magbubuntis at ma­nganganak. Dadami na naman ang mga bata at lolobo ang populasyon dahil kay MariMar na magbabalik sa GMA-7, simula na ito sa Agosto 24.  Sabi, ka-elya raw ang Kapuso prime artist na sina Tom Rodriguez at ang beauty queen na si Megan Young.  Bagay na bagay silang dalawa.

True enough, ang salitang nakaka-elya or nakikiliti ang buong katawan ng babae at lalake, mga mata lang nila ang magiging instrumento para ma-arouse sila, makiliti at ma-elya.

Si Tom ang lakas ng sex appeal, parang humihigop ng laman ng taong tinitingnan ng magandang mata.  Dimples pa lang ay nang-aakit na, ang mga ngiti niya ay parang nanghihigop, at ang mga yakap, parang matutumba ka at hihimlay sa mga bisig niya.

Maraming tsufatid, kahit mga girlas ay nagpabebe nang isa-isang yakapin ni Tom.  Kilig to the bones ang lahat sa ginawa ng poging aktor.  Tapos, sasabayan ng makalaglag napkin ni Megan, ang babaeng ito, kahit pa ituwad-tuwad mo, kahit anong anggulo mo sipatin, wala kang itatapon na pangit na bahagi ng katawan at mukha at sabihin na rin na sa lakas ng kanyang PR, marunong siyang maglambing sa tao, not only sa press people at feel mong totoong tao siya.  Malandi at marunong mag-promo para sa primetime show niya na MariMar.

Hindi ka magdududa kung ano ang ginagawa niya.  Sabagay, sa amin kesehodang plastikada ang artista, huwag lang ilalantad.

Tatlong higanteng pangalan sa showbiz, nag-birthday

Happy Birthday Big Three! Belated happy birthday na ito if ever hindi u­mabot sa tamang petsa via this column.  Umabot man o hindi bumabati pa rin ako sa kanilang tatlo.  Kina Mother Lily Monteverde, ang big lady sa likod ng Regal Films and Entertainment na sa ilang dekada niya sa pagiging producer, ilang daan o libo na ang na-produced niya na pawang magaganda at pinag-uusapan ang mga pelikula.  Si Mother Lily first time kong nakilala sa lobby ng Jennet Theater na siya din ang may-ari.  Milyonarya pero low profile.

Happy birthday Senator Lito Lapid, isang magaling na action star at naging alaga namin sa Mirick Films ni Jesse Chua na siyang unang sumugal sa isang pelikulang puno ng action.  Tatak ni Sen. Lito ang pagiging horse riding star at hindi namin makakalimutan ang box office movie na Kalibre 45 with the one and only Fernando Poe, Jr. Soon to be the future mayor of Angeles City.

And… the hero, the late Fernando Poe, Jr.  Kasabay siya ni Mother Lily, August 20.  Sila ni Manila Mayor and ex-president Joseph “Erap” Estrada ang mga iniidolo ko bagama’t marami sila.  E, kasi mas younger ngayon sa kanila ang aking sinasaluduhan, acting wise at mga makatao.  Si FPJ ang first showbiz personality na nagbigay ng Christmas gift na bigas sa amin.  One sack of rice na pina-deliver sa bahay ko sa Pasay City.  First time na nag-bonding kami sa panahon ng Lo Waist Gang.  Happy Birthday!

ACIRC

ANG

ANGELES CITY

FERNANDO POE

HAPPY BIRTHDAY

HAPPY BIRTHDAY BIG THREE

JENNET THEATER

JESSE CHUA

JR. SOON

MGA

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with