^

Pang Movies

Kinumpara sa tiyan ni Marian: Angelica aminadong parang buntis ang hitsura ‘pag nakakainom ng beer

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Type na type nang ipamili ni Marian Rivera ng baby dresses ang kanilang magiging Little Marian ni Dingdong Dantes, pero sinusunod niya ang sabi ng kanyang Lola Iska na dapat a month pa before the birth ng baby siya mamili ng mga damit at iba pang pangangailangan ng isisilang na sanggol.

“Pero, tama si Lola, kasi ang dami ko na ring natatanggap na baby dresses, at iba pang gamit ng baby, kaya siguro kung ano na lamang ang kulang, iyon ang bibilhin namin,” natatawang wika ni Marian. “Pero noong isang beses na nag-malling kami ni Dong, para ma­kapaglakad-lakad ako, hindi ko natiis na hindi bilhin iyong isang cute na baby bag. Tuwang-tuwa ako kasi ang ganda, siguro kapag two months old na si Baby Maria, pwede na niyang gamitin iyon.”

Yes, may napili na silang name ng baby girl nila, at ang magiging nickname nito pero ipababahala raw niya kay Dingdong ang pag-aannounce nito.

Umani ng maraming comment ang pag-post ni Marian sa kanyang Instagram account na naka-two piece swimsuit kasama si Dong sa beach at halos iisa ang sinasabing sexy preggy pa rin siya. Isa ang friend niyang si Angelica Panga­niban na nagbirong, “ganyan itsura ng tummy ko kapag naka-3 beers na ako, parehas lang tayo.”

Pabalik na sina Dingdong at Marian ngayon dahil kailangang mag­handa naman ng actress para sa Sunday PinaSaya bukas, Linggo, 12:00 nn, sa GMA 7.

 Mariel kailangan ang lahat ng oras ni Robin

May mga nagpapaabot ng dasal sa mag-asawang Robin at Mariel Padilla na makaya nila ang bagong pagsubok sa buhay nila. Noong August 12, at 6:30 p.m., nagkaroon muli ng miscarriage si Mariel at nawala ang kanilang triplets. 

Ayon sa isang nakausap namin, it seems na nire-reject ng uterus ni Mariel ang implantation o ayaw kumapit ng baby fetus sa uterus. Mas lalong kailangan ngayon ni Robin na alagaan si Mariel kaya tama ang desisyon niyang mag-back-out na sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry movie niya.

Alden at Yaya Dub may pausong I love you

No wonder kung magkakaroon na ng ibang term bukod sa “I love you” ang mga mag-sweethearts o nagliligawan ngayong gumawa ng bagong term of endearment ang AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub. Sa ka­nilang first monthsary last Thursday, hindi pa man nagkita nang personal ang dalawa, masaya na rin sila kahit sa simula ng ‘kalyeserye’ ng Eat Bulaga ay medyo nagselos at nagtampo si Yaya Dub kay Alden nang ipakitang parang may ka-date ang aktor at sinusubuan pa.  

Pero natuwa si Yaya nang ipakitang ang ka-date ni Alden ay ang picture niya at ang naiwan niyang sapatos noong umalis siya sa studio matapos mag-perform sa Eat Bulaga Pa More. Kasama rin sa monthsary gift ni Alden kay Yaya Dub ang Disney characters na tinawag niyang ‘Maine’ at ‘Mickalden.’

Kahit pinipigilan ni Lola Nidora (Wally Bayola) ang dalawa, nagpalitan sila ng mga post na “AlDub You” for “I love you” ni Alden at si Yaya Dub ng “Maalden Kita” for “Mahal Kita.”

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

ANGELICA PANGA

BABY

BABY MARIA

DINGDONG DANTES

MARIEL

NBSP

PERO

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with