^

Pang Movies

Drama actress sinaway na sa sobrang katabaan

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Pinagsabihan na raw ang isang drama actress na magpapayat na ito dahil hindi na raw siya kaaya-ayang tingnan sa TV.

Napanood raw si drama actress ng mga bossing sa isang live show at nagulat sila sa nilaki ng tinaba nito.

Ang rason niya sa mga bossing ay matagal kasing walang naging trabaho ang drama actress kaya napabayaan nito ang kanyang katawan.

Bibigyan daw nila ng sapat na panahon ang drama actress na magpapayat or else hahainan daw nila ito ng “fat memo”.

Gusto nilang bumalik sa dating katawan nito ang drama actress. Pati raw kasi mukha nito ay bumilog ng husto. Obvious na nag-enjoy ito sa mahaba niyang bakasyon.

Kinakatakutan ng mga artista ang fat memo, dahil ibig sabihin ay hindi sila bibigyan ng trabaho hanggang hindi nila naaayos ang pangangatawan nila.

Kabilang na ang isang leading man nila na binigyan ng fat memo. Kaya naman agad-agad na nagpapayat ito.

Pero noong mapahinga ito ng ilang buwan ay lumobo na ulit ang katawan. Kaya balik sa pag-workout ang leading man bago pa siya mabigyan ulit ng fat memo.

Barbie nag-aaral maging Badjao!

Bida ang Kapuso Tween Queen na si Barbie Forteza sa advocacy indie film ni Direk Louie Ignacio na Mga Isda Sa Tuyong Lupa.

Ito ay tungkol sa mga katutubong Badjao sa Mindanao.

Si Barbie raw ang one and only choice ni Direk Louie para gumanap sa isa sa lead roles ng naturang indie film.

Labis nga ang pasasalamat ng 18-year old young actress dahil pinili raw siya ni Direk Louie pagkatapos nitong mapanood ang indie film na Mariquina kung saan nanalo ang teen actress ng best supporting actress award sa Cinemalaya Film Festival noong nakaraang taon.

“First time ko pong makakatrabaho si Direk Louie sa isang movie at gusto kong makapagbigay ng magandang impression sa kanya.

“Nasabi ko naman na I will give my best.

“Kung ano ang gusto ni Direk Louie na gawin ko, buong-puso ko po iyon gagawin.

“Sa lahat naman po ng mga ginagawa ko ay sinisigurado ko na binibigay ko ang lahat ng makakaya ko,” ngiti pa ni Barbie

Dalawa raw ang magiging locations ng Mga Isda Sa Tuyong Lupa. Ito ay sa Mindanao at Mabalacat, Pampanga.

Noong matanggap ni Barbie ang script para sa pelikula, mabilis raw niyang ni-research ang tungkol sa mga Badjao.

“Bago po kami mag-shoot ay nag-research muna ako tungkol sa mga Badjao.

“Para mas maintindihan ko kung paano sila mabuhay at ‘yung language nila.

“Gusto ko rin pong makita kung ano ang mga hitsura nila para kapag nag-shoot na kami, mailalagay ko ang sarili ko sa katauhan ng isang Badjao,” diin pa niya.

Ang iba pang makakasama ni Barbie sa pelikula ay sina Gabbi Garcia, Jak Roberto, Rodjun Cruz, Kim Rodriguez, Ronwaldo Martin, Ana Capri, Roi Vinzon and Ms. Gina Pareno.

“Nagbigay naman po sila ng seven to eight shooting days.

“Gusto raw po ni Direk Louie na as much as possible, masunod ang shooting schedule para tuluy-tuloy hanggang sa matapos.”

May plano raw si Direk Louie na ipasok ang pelikula sa iba’t ibang film festivals abroad.

Tulad ng indie film ni Barbie na Mariquina, nag-compete ito sa Pusan International Film Festival in South Korea at sa Osaka Asian Film Festival in Japan.

“’Yun naman po ang maganda. Dream ko rin po na maka-attend ng mga international film festivals. Para siyempre, maipagmalaki natin ang mga pelikula natin sa ibang bansa.

“Kaya ipagdarasal ko po na maganda lumabas ang Mga Isda Sa Tuyong Lupa para makarating ito sa maraming film festivals abroad at makasama kaming lahat na nasa pelikula,” pagtapos pa ni Barbie na busy sa mga shows na The Half-Sisters at Sunday PinaSaya.

Kylie Jenner niregaluhan ng Ferrari ng BF

Isang Ferrari 458 convertible na nagkakahalaga ng $260,000 ang niregalo kay Kylie Jenner ng kanyang rapper boyfriend na si Tyga noong nakaraang 18th birthday nito.

May red ribbon pa nga ang naturang Ferrari nang ipakita na ito sa birthday celebrant.

Nag-turn 18 na nga ang pinakabunsong anak ni Caitlyn Jenner at ginanap ang kanyang party sa Bootsy Bellows in West Hollywood.

Present ang lahat ng kanyang sisters na sina Kim Kardashian-West with husband Kanye West, Khloe Kardashian, Kourtney Kardashian at Kendall Jenner. Hindi nawala ang kanyang inang si Kris Jenner at amang si Caitlyn.

Ang wala lang doon ay ang kuya niyang si Rob Kardashian.

Mga A-list guest ni Kylie ay ang kanyang friends na sina Joe Jonas, Gigi Hadid, Kevin Durant, James Harden, Kyle Massey, Nash Grier, and Zayn Malik.

Kontrobersyal si Kylie Jenner sa social media dahil sa pagpo-post nito ng kanyang mga sexy photos.

Ngayon ay 18 na siya, baka raw ang i-post na nito ay mga nude photos na.

Bago nga mag-18 si Kylie, may sarili na itong hair extension business, a clothing brand, a published novel at isang bahay na nagkakahalaga ng $2.7 million.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BADJAO

BARBIE

DIREK LOUIE

FILM

ITO

KYLIE JENNER

MGA

MGA ISDA SA TUYONG LUPA

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with