Ate Vi mas gustong maging kongresista kesa mag-bise presidente kay Sec. Mar
MANILA, Philippines – Matapos dumalo ang mag-inang sina Mother Lily at Roselle Monteverde sa isang okasyon ng Liberal Party last week sa Club Filipino, kahapon naman sa isang resto sa Greenhills, naispatan roon si Governor Vilma Santos-Recto ayon sa reports. Kaya naman tiyak na lulutang na naman ang tsismis na isang executive position ang maaari niyang takbuhan next year!
Isa si Gov. Vilma sa pinagpipilian na running mate ni Mar Roxas bilang Vice President next year. Wala pa kasing katiyakan kay Senator Grace Poe na kinukunsidera rin ng partido para sa nasabing posisyon. Hindi pa rin kasi sumasagot ang senadora lalo na’t may tsismis na sila ng kaibigang si Chiz Escudero ang magta-tandem sa dalawang mataas na posisyon.
Sa unang bahagi ng programa, magkakasama sa isang mesa si President P-Noy, Roxas, Gov. Vilma at Congresswoman Leni Robredo na pasok din sa pinagpipilian bilang VP. Sa interview nga lang kay Batangas Governor, hindi raw siya interesado sa posisyon ng Vice President. Ang maging kongresista ang kinukunsidera raw niya.
Member ng Liberal Party si Ate Vi at bukod sa kanya, present din ang dating production manager/director ni Mother Lily na si Taal Vice Mayor Pong Mercado.
Donita naayos na ang problema sa asawa, divorce ‘di na tuloy
Higit ngang pinairal ni Donita Rose ang pagmamahal sa pamilya kesa masira ito. Nabalitang may problema sa marriage niya na hindi naman itinanggi ng host-actress nu’ng gawin niya ang Let The Love Begin ng GMA-7,
Eh ayon sa reports, hindi na natuloy ang divorce ng kasal ni Donita sa asawang si Eric. Na-patch up daw ang problema nila kaya wala nang pinagdadaanan ang aktres ngayon.
Ngayong patapos na this week ang series ni Donita na Let The Love Begin kung saan ang bagsik ng character niya ang isa sa pinag-usapan, mahaharap na niya ang kanyang asawa’t anak nang wala nang problema pa.
Sikat na male personality, hinarang at binastos sa isang event!
Dapat pangaralan ang mga staff ng isang magazine na tumatayo sa reception area tuwing meron silang event. Eh, usually, hindi lang artista ang dumadalo sa mga showbiz events dahil may managers din at iba pang may katungkulan sa mga TV production.
Gaya na lang sa nangyari sa isang male personality na respetado hindi lang ng mga artista kundi halos lahat ng nakakakilala sa kanya sa TV at movie industry. Hindi man siya mahilig sa photo-ops, still, malaya siyang nakakapasok sa isang showbiz event.
Pero hindi ‘yun naranasan ng male personality sa isang event na ginanap kamakailan. Pagdating niya sa reception area kung saan staff lang ang humarap sa dumarating na bisita, tinanong siya kung sino ang nag-imbita sa kanya.
Eh, hindi naman nagalit ang male personality sa tanong. Very polite naman niyang sinabi kung sino ang nagpadala ng invitation sa kanya.
‘Yun nga lang, nakita ito ng ilang taga-showbiz na kilala si male personality. Isinumbong ang ginawa ng staff sa kanya kaya naman todo ang sorry ng staff na kilala si male personality, huh!
Moral of the story? Huwag hayaan ang kung sinu-sinong tao na humaharap sa mga taong taga-showbiz sa isang event, huh!
- Latest