^

Pang Movies

AiAi publisher na rin

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nag-pictorial na si AiAi delas Alas para sa bagong entertainment magazine business na bubuksan niya.

Siyempre, si AiAi ang publisher ng bonggang magazine at siya rin ang cover girl ng maiden issue.

Bukod sa entertainment magazine, maraming business na showbiz-related ang pinaplano ni AiAi kaya hindi siya nawawalan ng mga ginagawa.

Malapit nang mag-goodbye sa TV ang teleserye ni AiAi na Let The Love Begin pero may kapalit agad, ang Sunday PinaSaya. Nag-promise si AiAi na siguradong liligaya ang mga manonood ng Sunday variety show na pagsasamahan nila ng kanyang twin sister na si Marian Rivera.

Heart magiging abala na sa kampanya?!

Sunod-sunod ang mga bagong programa ng GMA 7, ang Sunday PinaSaya, Beautiful Strangers at My Faithful Husband.

Magsisimula na sa Lunes ang My Beautiful Strangers at susundan ito ng My Faithful Husband, ang reunion teleserye nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Kumpleto ang cast ng Beautiful Strangers sa press launch nito noong Martes ng gabi.

Nagustuhan ng mga reporter ang gown ni Heart Evangelista sa presscon ng teleserye nila ni Lovi Poe.

Kung matutuloy ang pagkandidato ni Senator Chiz Escudero sa susunod na taon, baka ang Beautiful Strangers ang one and only teleserye ni Heart para sa 2015  dahil magiging busy siya sa pangangampanya para sa kandidatura ng kanyang dyowa sa susunod na taon. Maingay na maingay ang balita na kakandidatong Vice-President si Papa Chiz pero hindi pa siya nagdedeklara. Waiting ang lahat sa kumpirmasyon ni Papa Chiz na balitang-balita na magiging running mate ni Senator Grace Poe.

Impluwensiya ni Drew iya tumatambay na rin sa kusina

Tatlong minuto lang ang running time ng San Miguel Pure Foods Home Foodie pero sobrang  interesting ang bagong programa ni Drew Arellano sa GMA 7.

Si Drew ang host ng show at makakasama niya ang magagaling na chef na magtuturo ng pagluluto ng mga pagkain na mura at affordable, gamit ang mga produkto ng San Miguel Pure Foods.

Si Drew ang one and only choice na host ng Home Foodie dahil bukod sa magaling, mahilig siya sa mga pagkain. Tinitikman ni Drew ang lahat ng mga specialty ng iba’t ibang lugar sa Pilipinas na pinupuntahan niya.

Nahawa na rin sa pagiging foodie ni Drew ang kanyang misis na si Iya Villania. Nahihilig na rin si Iya sa pagtambay sa kusina para ipagluto ang mister niya na hindi nawawalan ng mga regular show sa GMA 7 at GMA News TV.

Djanin balik-GMA

Balik-GMA 7 si Djanin Cruz dahil kasama siya sa cast ng Beautiful Strangers.

Komportableng-komportable si Djanin sa kanyang mga co-star dahil hindi sila iba sa kanya gaya nina Dianne Medina at Christopher de Leon.

Kaibigan ni Djanin si Dianne na girlfriend ng kanyang pinsan na si Rodjun Cruz.

Family friend ng Cruz family si Christopher  na lead actor ng Beautiful Strangers. Barkada ni Djanin ang mga anak nina Christopher at Sandy Andolong. Kasali rin sa Beautiful Strangers si Gab de Leon.

vuukle comment

ANG

BEAUTIFUL

BEAUTIFUL STRANGERS

DENNIS TRILLO

DIANNE MEDINA

DJANIN

DJANIN CRUZ

DREW ARELLANO

MGA

MY FAITHFUL HUSBAND

PAPA CHIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with