^

Pang Movies

Robin bumilib sa mga babae nang makita kung gaano karaming dugo ang natanggal kay Mariel

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sumailalim na pala si Mariel Rodriguez sa D and C (Dillation and Curettage) procedure or in Tagalog ay raspa last Monday sa Asian Hospital and Medical Center.

Nag-post ang asawa niyang si Robin Padilla sa Instagram kahapon at nagpapasalamat sa mga doktor at nurses na nag-alaga sa kanyang misis.

Ang unang post ni Binoe ay larawan ng Post-Anesthesia Care Unit (PACU) department ng Asian Hospital and Medical Center. 

“Glory be to God !! Praise be to God!! God is great !! Its done @marieltpadilla maraming salamat sa mga Doktor at Nurse ng Genesis Unit/ Asian Hospital. Very professional and very polite team.pagpupugay din sa pag aalaga ng admitting personnel at nurse station ng 5th floor lalo sa housekee­ping at catering...... Billing na lang ang suspense,” ang caption ni Binoe.

Sa pangalawang post niya ay picture na ni Mariel na nasa hospital bed kasama ang doktora nito.

Sa caption ay bahagyang nagkwento si Binoe ng pinagdaanan ni Mariel.

“BISMILLAH Maraming maraming salamat po Dra Eileen Malapaya Manalo MD at naging matiwasay ang procedure na naganap,Lalo rin kay Nurse Mariel (Magkapa­nga­lan sila) siya ang nag alaga at naglinis ng mga dugong inilabas ni@marieltpadilla mula 1 am hanggang 2am.

“I saw a lot of blood in my life but this was the most educa­ting, ang tindi talaga ng sakit na dina­daanan ng mga babae,with or without pregnancy, they go through hell and heaven.

“There is no greater love than a mothers love.ilove you @marieltpadilla @evacarinopadillamy deepest respect to my children @camiiibella@queeniepadillarevert @kylienicolepadilla@zherileen @alipadilla14 on how they love their mothers. Happy Mothers and Women’s day to all kahit lagpas na o wala pa,”  post ni Binoe.

Inulan naman ng well wishers ang post ni Robin at lahat sila’y nagwi-wish na maging okay na talaga si Mariel.

Matatandaang nabuntis si Mariel kamakailan at umabot ito sa 8 weeks but she was told by her OB Gynecologist na walang heartbeat ang baby at hindi na raw ito made-develop.

Of course, walang kasing-sakit ito para kay Mariel lalo na nga’t matagal na niya itong hinihintay. Noong una ay hindi niya matanggap at kahit sinabihan na siya ng doktor na kailangan na niyang ipaalis ang baby sa loob ay tumanggi siya at hihintayin na lang daw niyang kusang mag-bleed.

Ruru pipilitin pa rin pagsabayin ang pag-aartista at pag-aaral

Proud na proud ang GMA Artist Center ta­lent na si Ruru Madrid dahil nagawa niyang makapagtapos ng high school kahit na napaka-busy ng kanyang schedule sa trabaho.

Say nga ng Kapuso teen star, “I feel happy to finally receive my high school diploma. Masaya ang feeling to finish another chapter in my life.”

Iniaalay niya raw ang kanyang diploma sa kanyang pamilya lalung-lalo na sa kanyang mga magulang.

Sa ngayon ay naghahanda na si Ruru sa kanyang upcoming primetime series na Let The Love Begin. Makakasama niya rito ang kanyang ka-love­team na si Gabbi Garcia.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARTIST CENTER

ASIAN HOSPITAL AND MEDICAL CENTER

COM

HREF

HTTPS

INSTAGRAM

MARIEL

NBSP

QUOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with