^

Pang Movies

Kim at Xian limang araw magkakasarilinan sa Amerika

- Vinia Vivar - Pang-masa

First time ulit magkasama nina Xian Lim at Kim Chiu sa concert tour after more than a year. Kaya pareho silang excited na umalis last Thursday for the One Magical Night US concert tour.

“Kasi, ang tagal na ring hindi kami nakapagsama ni Kim sa isang tour kaya we’re really happy. Eto, makakaikot kami ulit na kasama ko siya, so, a­yun, we’re very happy na nandito kami,” sabi ni Xian nang makapanayam sila ng media sa Ninoy Aquino International Airport bago umalis.

Parang bakasyon na nga rin ito at the same time lalo pa nga’t Holy Week na at may 5 days pa raw silang pahinga.

Asked kung may plano na sila kung saan sila mamamasyal sa li­mang araw nilang pahinga, say ni Xian, “sabi ko kay Kim, kung puwede, labas-labas naman tayo since ano. . .”

Singit ni Kim, “taga-do’n siya, ‘yung stop-over namin, San Francisco.”

“So, baka puwedeng maikot-ikot kasama siya. Kung puwede,” sabi ni Xian.  

Kitang-kita nga sa young actor ang excitement na makakasama niyang muli si Kim dahil lagi silang magkahiwalay recently ng tour.

“Sa Bida Kapamilya tour siya eh, ‘pag nagtu-tour,” sabi ni Kim.

Nang matanong si Xian kung totoo na “absence makes the heart grow fonder” sa kaso nila ni Kim, say niya, “oo naman, oo naman” sabay amoy sa buhok ng ka-loveteam.

Naikwento nga ni Kim na dahil sa unang One Magical Night Tour sa Canada ay nagkaroon siya ng second album.

“Dahil po sa gitarang ito (na dala-dala niya), nabigyan ako ng album. ‘Yun dito talaga nag-start, dito nila napanood ang mga videos kung paano ako mag-perform live kasama ‘yung gitara ko, so ‘yun, dahil dito, nabigyan ako ng 2nd album, ilo-launch na this April,” sabi ni Kim.

Excited din ang young actress sa bagong album dahil sobrang hands-on daw siya rito at ibinuking nga ni Xian na si Kim ang nagdirek ng music video kung saan ay may appearance siya.

“Abangan na lang nila,” she said.

Eula inaming nakabalikan ang kasamahan sa Star Factor na BF

Inamin na ni Eula Caballero na nagkabalikan sila ng dating boyfriend at dating kasamahan sa Star Factor na si Christian Samson. Noon pa mang nagsisimula sila sa nasabing artista search ay nali-link na sila hanggang sa eventually ay maging sila pero nag-break din sila after.

Ayon kay Eula nang makausap namin sa pocket presscon for Watt­pad Presents: Lady In Disguise, gusto na raw niyang maging open sa publiko pagda­ting sa kanyang love live kaya inamin na niya. Dati raw kasi, nang nagsisimula siya ay marami siyang hindi puwedeng gawin at isa na nga rito ay huwag umamin kung sino ang kanyang boyfriend.

Hindi raw siya masaya sa ganun’g sistema at palibhasa’y wala pa raw siyang alam sa showbiz, sinakyan na lang daw niya ang sistemang ito kahit ayaw niya.

Pero nilinaw naman niyang hindi ang TV5 ang nagbabawal sa kanya kundi ibang tao.

“Kasi ano ako… pumasok ako sa showbiz na wala akong kaalam-alam. So, tinanggap ko lahat ng sasabihin sa akin.

“Even people would tell me, ‘You have to be maputi, sexy,’ ganyan. All of those, tinanggap ko, parang sinakyan ko lahat ng requirements,” say ng Prinsesa ng TV5.

Ngayon daw ay very happy and very inspired siya nang bumalik na siya sa right path. At siyempre, masaya siya with Christian.

In fact, ngayong Holy Week ay nakatakda raw silang pumunta ng boyfriend at pamilya nito sa South Korea para magbakasyon.

Samantala, sa April 6 naman ipalalabas ang pang-apat niyang Wattpad episode na Lady In Disguise kung saan ay ginagampanan niya ang role na babaeng nag-disguise na lalaki para makapasok sa school ng kanyang crush.

Kasama niya sa naturang episode si Steven Silva at Bret Jackson bilang kanyang leading men.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BRET JACKSON

HOLY WEEK

KIM

KUNG

LADY IN DISGUISE

SILA

SIYA

STAR FACTOR

XIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with