^

Pang Movies

Andrew nakahanap ng kakampi sa ‘eksena’ ni Melissa sa eroplano

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Sumusumpa si Andrew Wolff na walang labis, walang kulang ang mga kuwento niya tungkol sa encounter nila kay Melissa Mendez ng kanyang kaibigan na si Rey Pamaran. Nanindigan si Andrew na walang mababago sa kanyang statement na kontra sa mga pahayag ni Melissa sa guesting nito sa Startalk noong Sabado.

Bilang patunay na katotohanan ang kanyang sinabi, inilabas ni Andrew ang eyewitness account ng isang kapwa pasahero sa Cebu Pacific. “Ma­yanicles” ang name ng eyewitness na napagkamalan na bodyguard ni Andrew si Pamaran, ang mhin na sinampal ni Melissa. Hindi yata nakilala ni “Maya­nicles” si Melissa na tinawag niya na “old lady.”

“So this crazy old war freak of a lady wouldn’t stop screaming and charging at Andrew Wolff’s bodyguard and caused our flight to be 30-minutes delayed. Some petty fight about seat assignments.

“Threatened by the captain that the flight will not take off if she doesn’t calm down, she eventually shut up. So we finally take off, the plane stabilizes in the air. And then she punches the bodyguard. Captain then announces that we return to Manila because of the unruly passenger. So we did. People on the plane both hating on her yet ­lo­ving the action. Crazy old lady actually waved to all the smartphone cameras pointed at her.”

May-I-share ni Andrew sa kanyang friends ang mga litrato na kuha ng co-passenger niya sa kontrobersyal na flight sa Pagadian noong Biyernes.

Melissa hindi mukhang old lady!

Hindi naman old lady si Melissa dahil bagets-looking siya nang umapir sa Startalk noong Sabado. Hindi mo nga iisipin na may apo na si Melissa dahil maganda pa rin ito at kung hindi ako nagkakamali, 50 years old pa lamang siya.

In person, wala sa hitsura ni Melissa na “Golden Girl” na siya. Hindi naman tama na tawagin si Melissa na old lady dahil insulting ‘yon para sa mga babae ‘no!

Piloto na starring sa video ni Melissa hinihintay nang magsalita

Pumayag sa phone patch interview si Rey Pamaran para ipagtanggol niya ang sarili. Pagkatapos ng mga interbyu sa kanya, wala na tayong narinig mula sa kaibigan ni Andrew dahil nanahimik na ito. May nakapagsabi sa akin na hindi nagkakalayo ang mga edad nina Rey at Melissa pero mga mukhang bagets sila dahil inaalagaan nila nang mabuti ang kanilang mga katawan.

Malamang na nakikipag-usap na si Pamaran sa kanyang legal counsel para sa kaso na isasampa laban kay Melissa dahil ‘yon ang unang statement niya.

Matagal pa ang itatakbo ng isyu dahil inaasahan din na magbibigay ng statement ang Cebu Pacific bilang sangkot din sa isyu ang kanilang staff.

Naglabas si Melissa ng sama ng loob sa piloto ng eroplano dahil siya lamang ang pinababa. Waiting ang lahat sa sagot ng piloto na starring sa video na inilabas ni Andrew.

Mag-expect tayo na may opinyon din ang GABRIELA na hiningan ni Melissa ng tulong. Malalaman natin ngayon ang resulta ng pakikipag-usap ni Melissa sa GABRIELA.

 

vuukle comment

ANDREW

ANDREW WOLFF

CEBU PACIFIC

DAHIL

GOLDEN GIRL

MELISSA

REY PAMARAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with