^

Pang Movies

Mhin na nanakit kay Melissa biglang sikat, close pala sa maraming sikat na basketball player!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Dahil sa kakulangan ng oras kahapon, hindi na­ipalabas sa Startalk ang ibang mga kontrobers­yal na showbiz issue na pinag-uusapan ng madlang-bayan.

May kahabaan kasi ang live interview namin ni Papa Joey de Leon kay Melissa Mendez na agad na pumayag na umapir sa Startalk nang imbitahan siya ng aming staff.

Cry me a river si Melissa nang balikan nito ang mga pangyayari sa loob ng eroplano noong Bi­yernes.

Pinangalanan din ni Melissa ang maskulado at matangkad na lalaki na diumano’y nambastos sa kanya na nagsabi na mabaho ang hininga niya at nakakadiri siya.

Rey Pamaran ang name ng mhin na kalaban ni Melissa at nagbanta na idedemanda siya. Si Rey ang lalaki na sinampal ni Melissa.

Biglang sumikat si Rey dahil sa isyu nila ni Melissa. Lumitaw ang mga litrato niya, kasama sina James Yap, JC De Vera, mga sikat na basketball player etc.

Hindi maaaring i-deny na richie rich si Rey dahil mga mamahalin ang gamit niya at madalas ang paglalamyerda niya sa iba’t-ibang bansa.

May nagsabi sa akin na successful businessman si Rey dahil tagumpay ang lahat ng kanyang mga negosyo. Parang type ko siya na makilala nang personal dahil kikilatisin ko kung talagang mayaman siya.

Alam n’yo naman na matalas ang pang-amoy ko. Hindi ako malalansi ng mga tunay na mayayaman at ng mga nagpapanggap lamang.

Mga eroplano kailangan na rin ng CCTV

Magkaiba ang mga version nina Melissa at Rey. It’s about time na maglagay na rin ng mga CCTV sa loob ng mga eroplano para kung sakaling may mga untoward incident mangyari, ang CCTV ang matibay na ebidensya.

Parang he said, she said ang nagaganap na sagutan nina Pamaran at Melissa.

Siyempre, pareho ang version nina Pamaran at Andrew Wolff dahil sila ang magkasama sa biyahe. Kasama ni Melissa ang kanyang kaibigan na Lani ang pangalan. Panahon na para basagin ni Lani ang kanyang pananahimik, in defense of Melissa.

Maraming pasahero ang Pagadian bound plane ng Cebu Pacific kaya hindi imposible na walang nakapag-video sa insidente, gamit ang kanilang mga cell phone camera, lalo na kung mga artista ang involved.

Maghintay-hintay tayo ng ilang araw. Huwag na tayong magulat kung biglang lumitaw sa YouTube ang mga video ng confrontation scene nina Melissa at Pamaran.

Pagpirma sa gma ni Willie natabunan ng eskandalo ni Melissa

Natabunan ng airplane scandal nina Melissa at Pamaran ang contract signing ni Willie Revillame sa GMA-7 noong Biyernes.

Anyway, pinag-usapan din naman ang pagbabalik ni Willie sa Kapuso Network na Rainbow station ang tawag noong co-host pa siya ng Lunch Date.

Excited na ang fans ni Willie sa nalalapit na pagsisimula ng Wowowin sa April 26 dahil na-miss nila nang husto ang very generous na TV host.

Ipinaliwanag ni Willie na si Randy Santiago ang pinili niya para maging direktor ng Wowowin dahil tumatanaw siya ng utang na loob mula sa kanyang kaibigan.

Si Randy ang nagbigay kay Willie ng break para maging TV host. Nakilala si Willie noon bilang isa sa mga Hawi Boy ni Randy noong kasikatan nito. Kasama si Willie sa mga taga-hawi ng fans na dinudumog at pinagkakaguluhan si Randy sa personal appearances nito. Si Randy ang pinakasikat na male singer noong late ‘80’s.

vuukle comment

ANDREW WOLFF

CEBU PACIFIC

DAHIL

DE VERA

MELISSA

PAMARAN

SI RANDY

WILLIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with