^

Pang Movies

Pagkatapos ng sunud-sunod na trabaho: Drama aktor hindi alam ng mga kaibigan kung saan nagtatago

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

May matinding problema ang drama actor na ito dahil sa bisyong meron siya ngayon.

Hindi nga alam ng ibang mga kaibigan nito na naging talamak na ito sa pag-inom ng alak.

May mga iniinda raw na personal na problema ang drama actor kaya ang alak ang naging “best friend” niya.

Magaling lang magtago ng kanyang problema ang drama actor dahil mukhang maayos naman ang hitsura niya at hindi niya pinapakita ang kanyang problemang tinatago.

Ganyan kahusay umarte ang drama actor dahil naiaarte niyang matino ang buhay niya sa harap ng ibang tao.

Sa mga nakakakilala sa drama actor, kakaiba raw ang pag-iisip nito kaya maraming hindi nakakaintindi rito.

Bigla ngang nawala sa eksena ang drama actor pagkatapos magkasunod-sunod ang kanyang trabaho. Kinakatakot ng mga kaibigan ni drama actor na baka masyadong na-overwork ang utak nito kaya nakaisip na magkaroon ng hindi magandang bisyo.

Hindi nila alam kung nasaan ang drama actor ngayon at sana raw ay nasa isang maayos na lugar ito at nagpapagaling.

Mas gusto nga nilang pumasok ito sa isang rehab para malaman kung ano ba ang problema niya at para matulungan siya ng mga doktor na maging maayos ang buhay niya.

Winwyn hindi masyadong handa sa Binibining Pilipinas?

Hindi naniniwala si Jonas Gaffud of Mercator Models na may kinalaman ang pagiging GMA contract artist ni Winwyn Marquez kaya wala itong napanalunan na titulo sa nakaraang Bb. Pilipinas Beauty Pageant.

Bilang manager, mentor at trainer ni Winwyn, umasa rin si Jonas na makakakuha ng major title ito. Pero nirerespeto raw niya ang desisyon ng mga judge.

“Masyadong mababaw naman na dahilan kung ang reason kung bakit hindi nanalo si Winwyn ay dahil taga-GMA siya at ang Bb. Pilipinas ay sa ABS-CBN.

“Sa totoo lang, gusto ko nga sana na sa 2016 na sumali si Winwyn para mas ready siya. Kaso gusto na niyang sumali this year. Hopefully, kung gusto pa niya sumali next year, mate-train ko pa siya nang husto.”

Alaga rin ni Jonas ang mga nanalong sina Pia Wurtzbach, Christi Lynn McGarry, Rogelie Catacutan and Ann Lorraine Colis.

vuukle comment

ACTOR

ANN LORRAINE COLIS

BINIBINING PILIPINAS

CHRISTI LYNN

DRAMA

JONAS

NIYA

WINWYN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with