^

Pang Movies

Mansion ng mag-ex dyowang sina Jennifer Lopez at P. Diddy madaliang binili ni Pacman

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Unang nabalitang bibilhin ni Pambansang Kamao Manny “Pacman” Pacquiao ang Beverly Hills mansion na pag-aari ni Jennifer Lopez sa halagang $12 million.

Pero kinumpirma ng TMZ Sports na ang bibilhin talaga ni Pacman na mansion sa Beverly Hills ay ang dating pag-aari ni Sean “P. Diddy” Combs na naging ex-boyfriend ni J.Lo.

Ang halaga ng estate ni P. Diddy ay $12.5 million at ang gusto ni Pacman ay bilhin hindi lang ang bahay kundi lahat ng nilalaman nito.

Na-purchase ni Diddy ang naturang mansion during the mid-‘90s noong gamit pa niya ang pangalan na Puff Daddy. Binenta niya ang mansion in 2001.

Ayon pa sa report ng TMZ Sport, na-in love raw si Pacman sa 10,000 square foot mansion ni Diddy noong puntahan niya ito. Agad daw nagdesisyon si Pacman na bilhin ito.

Ang dahilan ng madaliang pag-purchase ni Pacman ng naturang mansion ay para may matuluyan na ang kanyang pamilya kapag lumipad na ang mga ito for Los Angeles bago ang kanyang laban sa May 2nd with Floyd Mayweather Jr.

Kaya ang naging deal ni Pacman sa kanyang rush purchase ay kukunin niya ang mansion na fully furnished, kasama lahat ng furnitures, artworks, at appliances.

Bilang bonus ay isa-stock daw ng may-ari ng mansion ang wet bar ng iba’t ibang beverages para kapag nagpa-party si Pacman ay may maihahanda siya sa kanyang mga bisita.

May seven bedrooms, 7.5 baths at isang home theatre na nagkakahalaga ng $200,000.

Starlet nagpagawa ng boobs para mas lalong paligayahin ang boyfriend na foreigner

Super deny pa rin ang female starlet na ito na nagpalaki siya ng boobs. Nagugulat kasi ang mga dating kasabayan niya sa showbiz noong mga teens pa sila dahil sa sobrang laki ng kanyang mga dibdib.

Laging rason ng starlet ay may special bra raw siyang ginagamit para magmukhang malaki ang mga ito.

Pero may magpapatunay na dumaan sa breast augmentation ang starlet para ma-achieve niya ang kanyang goal na magkaroon ng malalaking dyoga.

Chika ng aming source ay noong magpa-apppointment daw ito sa kilalang cosmetic surgeon, ibang name ang binigay nito. Noong dumating daw ito sa clinic, doon lang nalaman na si starlet pala ang nagpa-appointment.

Ang rason niya kung bakit siya magpapalaki ng boobs ay para ma-satisfy niya ang kanyang boyfriend na isang foreigner.

Type raw kasi ng boyfriend niya ang mga babaeng malalaki ang boobs. Lahat nga raw ng ex-girlfriends nito ay parang mga pakwan ang boobs.

Feeling niya ay nahihiya lang sabihin sa kanya ng kanyang boyfriend na magpalaki siya ng boobs.

Kaya doon na nagdesisyon ang starlet na magpalaki na ng boobs dahil iyon lang daw ang paraan para maging masaya ang kanyang boyfriend.

Mababaw man ang dahilan pero ibinigay pa rin ng surgeon ang gusto ni starlet dahil para naman ito sa ikaliligaya ng pagsasama nila ng kanyang boyfriend.

Ngayon ay confident ngang tingnan ang starlet dahil sa kanyang big boobs at inamin niyang mas happy na ang kanyang boyfriend dahil sa ginawa niyang desisyon.

Jim Parsons ng TBBT hindi makapaniwalang may sarili na ring star!

Hindi makapaniwala ang isa sa bida ng hit US comedy series na The Big Bang Theory na si Jim Parsons na nabigyan siya ng sarili niyang star sa Hollywood Walk of Fame.

Iginawad ang naturang star kay Parsons last March 11 at dinaluhan ito ng kanyang mga co-star sa show.

Pinasikat ni Jim Parsons ang character na si Sheldon Cooper, isang socially awkward genius sa The Big Bang Theory na nasa ika-8th season na sa CBS network.

Nanalo na ng tatlong Emmy at isang Golden Globe Award si Jim bilang best actor in a comedy series para sa The Big Bang Theory.

Tumatanggap ng $1 million per episode si Jim para sa naturang show. Kelan lang ay na-renew ang The Big Bang Theory for two more seasons.

Ang The Big Bang Theory ang kanyang first big break bilang aktor in 2007 pagkatapos na lumabas siya in a recurring role sa show na Judging Amy in 2004.

Last year ay pinuri ang performance ni Jim sa TV-movie na The Normal Heart kung saan ginampanan niya ulit ang role bilang gay inflicted with AIDS na unang niyang ginawa sa original Broadway version nito.

vuukle comment

BEVERLY HILLS

BIG BANG THEORY

BOOBS

JIM PARSONS

KANYANG

NIYA

PACMAN

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with