^

Pang Movies

Coco nahihiyang imbitahin si Julia sa kanyang mala-palasyong bahay

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa presscon ng Wansapanataym Presents Yamishita Treasures ay natanong si Julia Montes kung na-invite na ba siya ng leading man niyang si Coco Martin sa pagka-laking bahay nito.

Sagot ng young actress ay hindi pa raw kaya kinantyawan siyang marami na ang nakauna sa kanya tulad nga ng Yes Magazine na nag-feature ng bahay ni Coco.

Natatawang nahihiya ang aktor na nagpaliwanag.

“Honestly, sabi ko nga, siyempre, kasi ang hirap, eh, alam n’yo sa totoo lang, nahihiya kasi akong mag-invite. Siguro dahil sa hindi ako marunong mag-entertain,” pag-amin ni Coco.

“Kasi, hindi ko alam kung paano ipi-please ang ibang tao. Hindi ba parang matataranta ako, everytime na may darating, gusto ko i-entertain ko sila nang personal. Ayoko nung parang dumating sila and then after that, ‘o bahala na kayo’.

“Matataranta ako. Sabi ko nga, paano kaya? Si­guro, hindi ko lang personalidad. Kasi nga, ako napaka-private kong tao, eh. Pero honestly, gusto kong imbitahin lahat ng mga taong tumulong sa akin.

“Siguro, nasimulan ko na sa mga kaibigan ko o sa mga taong tumulong sa akin from indie (days), and then, ngayong nasa TV ako and mainstream, siyempre, gusto ko rin silang imbitahan doon para maging proud sila sa akin na dahil sa kanila, natuto akong ayusin ang buhay ko at dahil sa kanila, parte sila ng mga pangarap ko na nabuo ‘yung bahay na ‘yun,” pahayag ni Coco.

Humahanap lang daw siya ng magandang ti­ming at hindi lang si Julia ang gusto niyang imbitahan kun­di lahat ng taong naging parte ng kanyang buhay.

Dahil sila na naman ang magkatambal sa Wan­sapanataym Presents Yamishita Treasures, natanong din ang aktor kung siya ba mismo ang pumili kay Julia.

“Actually, sinabi nila sa akin na gusto nila ulit kaming pagsamahin ni Julia, kasi siyempre after na maging sucessfull ang Walang Hanggan, nagkasama kami sa Ikaw Lamang and then, napanood kasi nila kung gaano kagaling si Julia sa Halik sa Hangin, sabi nila, “parang nakaka-miss kayong pagsamahin”.

“And then ‘yun, nang binuo ang konsepto, pinagsama kami sa Yamishita Treasures,” say ni Coco.

Nasanay na ang mga tao sa aktor na gabi-gabi siyang napapanood tuwing week nights sa primetime slot pero sa Wansapanataym ay once a week na lang at pambata pa.

Okay lang ba ito sa kanya or gusto niya talagang weekly na lang muna ang gawin niya?

Ayon kay Coco ay naka-plano na raw talaga kung kaylan siya gagawa ulit ng soap opera at naka-schedule na lahat pati pelikula. Pero nakakita raw sila ng mahabang oras kaya napag-usapan na bakit hindi muna siya gumawa ng parang isang special na pambata na mala-Juan dela Cruz ngayong summer.

“Para this coming summer, saktung-sakto, ‘yung mga bata, nasa bahay. And then, dahil naging successful ang Juan dela Cruz, ‘bakit hindi ka gumawa sa Wansa.’ And then, kinausap ako ng Dreamscape at sinabi nga nila na gusto nilang gumawa ng parang special episode this coming summer para sa mga bata,” kwento ni Coco.

Nang tanungin daw niya ang konsepto at sabihin sa kanyang parang Indiana Jones or The Mummy, nagustuhan daw niya agad ito.

“Ang ganda ng kwento niya, sabi ko, honestly, pwede siyang gawing soap opera. Pero sabi nga natin, this coming summer, gusto naming big­yan ng Wansa special episode ang mga bata na mahaba at maganda talaga ang kwento.

“Kaya ‘yun, hindi ko pinalampas ang opportunity na to para gawin nga ito,” say ni Coco.

Valerie ayaw munang ipag-ingay ang relasyon sa abogado

Tawa lang nang tawa si Valerie Concepcion nang tanungin namin tungkol sa napabalitang bago niyang boyfriend na lawyer daw. Dumalo kasi ang aktres sa 12thbirthday ni Andrea Brillantes last Thursday night kaya kinorner namin siya.

Inamin naman niyang she’s dating the guy at totoo rin daw na lawyer ito pero bago pa lang daw silang lumalabas-labas kaya ayaw daw muna niya sanang ianunsyo sa publiko.

Gusto niya raw kasi ay ‘yung talagang sila na bago niya aminin o di kaya ay pag matagal-tagal na silang magkakilala.

Ang laki ng ipinayat ni Valerie ngayon. Aminado naman siyang medyo nag-gain siya ng weight last year kaya naman kinarir daw niya ang pagdyi-gym habang wala siyang projects lately.

Sa ngayon ay napapanood siya sa Deal or No Deal at one month daw siyang guest sa naturang show ni Luis Manzano. Huli siyang napanood sa My BFF sa GMA-7 last year.

Since wala naman siyang kontrata sa kahit saang network ngayon, pwede naman daw siyang magpa­lipat-lipat, depende kung saan may offer.

 

vuukle comment

COCO

DAW

GUSTO

JULIA

LANG

NIYA

SIYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with