^

Pang Movies

Alonzo hindi gaanong namana ang karisma ni Niño

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Noong magkaroon ng launching si Alonzo Muhlach bilang bagong contract star ng Viva, ang nakakuwentuhan namin nang husto ay si Cheng Muhlach, ang tatay ni Aga, at adviser din ni Niño. Nagtanong sa amin si Cheng kung ano raw ba ang palagay namin kay Alonzo? Sino raw ba ang mas ok si Niño noon o si Alonzo ngayon. Sigurado kami, ang gusto niyang marinig at gugustuhin ding marinig ni Niño ay mas ok si Alonzo.

Pero iba ang opinion namin eh. Iyon kasing pagsikat ni Niño noon, normal nagsimula eh. Nakuha siya sa commercial ng gatas, tapos kinuha siya ni Ariel Ureta sa TV show. Doon naman siya nakita ni FPJ (Fernando Poe, Jr.) at ipinatawag na nga siya at iginawa ng pelikula. Hindi mo masasabing si FPJ ang naka-discover kay Niño. Hindi mo rin masasabing siya ang nagpasikat talaga dahil isang pelikula lang naman ang ginawa nilang magkasama. Pero iyon ang naging simula para mas makilala si Niño. Ang paniwala namin, kung wala ang proyektong iyon ni FPJ, kahit na magaling siya ay mahihirapan din si Niño na makapagsimula.

Ang isa pang naging advantage, matapos na sumikat si Niño, nabantayan nila ang career nito, kasi sila na ang nag-produce ng mga pelikula noon. Naalagaan nila nang husto. Talagang pinahaba nila ang career ni Niño dahil tanggap din naman maski ni Cheng, iyang mga child stars, sandali lang ang career niyan. Pero dahil sila ang producers, napipili nila ang projects. Bukod doon, i­namin pa ni Cheng, “naging advantage ni Niño iyong hindi lumaki agad eh. Nine years old na, mukhang bata pa rin”. Eh sa kaso ni Alonzo, mukhang lalaki iyong bata, matangkad ang nanay eh.

Sa amin, ang isang malaking factor ay pagkatapos ng pelikula nina FPJ at Niño, superstar agad ang tingin ng mga tao sa bata (Niño). Doon medyo sumablay si Alonzo sa pelikula ni Vic Sotto.

Anyway, hindi natin alam kung ano ang mangyayari. Sa deal naman pala kasi, bale co-production ng Viva at Wonder Films ang mga pelikula nila. Sinasabi rin daw na puwedeng si Niño pa mismo ang mag-direk ng mga pelikula ni Alonzo. Karamihan daw kasi sa plano ay mga remake ng mga pelikula ni Niño noong araw. Tingnan natin kung ano ang ma­ngyayari.

Liza kahawig ng Hollywood actress na si Olivia Hussey

Nakita namin ang isang naka-post sa isang social networking website. Sinasabi ng nag-post na kamukha raw ni Liza Soberano ang aktres na si Olivia Hussey. Siya iyong bida sa Romeo and Juliet na ginawa ng director na si Franco Ziferelli. Siya rin iyong magandang babae sa Lost Horizon. Noong araw, itinuring siyang “the most beautiful woman in the world”.

Ang nagulat kami, may nag-like sa nasa­bing post na ang pangalan ay Olivia Hussey. Siya kaya ang magandang aktres noong araw? Hindi ka nakakasiguro dahil alam naman ninyo riyan sa mga social networking sites may gumagamit ng pangalan ng mga sikat na tao. May mga poser. Minsan nga may nakita pa kaming posts diumano ni James Dean, eh hindi pa kami ipinanganganak patay na si James Dean.

Pero in fairness ha, pinagtabi niya ang mga pictures ni Olivia noon at ni Liza Soberano ngayon, may pagkakahawig nga. Tingin din namin, baka nga mas maganda pa si Liza eh, although noong araw wala pang Photoshop (image editing program) ha. Pero may “retouching” na rin naman noon, hindi nga lang kasing tindi ngayon.

vuukle comment

ALONZO

JAMES DEAN

LIZA SOBERANO

OLIVIA HUSSEY

PERO

PLUSMN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with