^

Pang Movies

Vilma ‘magpapaalaga’ kay Angel

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Umani pa rin ng palakpakan at papuri si Governor Vilma Santos-Recto dahil sa performance niya sa pelikulang Bata, Bata Paano Ka Ginawa? nang magkaroon ng special screening ang restored copy nito sa UP Film Institute last Thursday. Bale bahagi ito ng advocacy ng ABS-CBN na gawing digital ang mga nakaraang movies lalo na ‘yung hindi masyadong naalagaan.

Tinawag na VX3 screening dahil tatlong restored movies ni Ate Vi ang ipinalabas, ang Anak, Kapag Langit Ang Humatol at ang Bata, Bata, Paano Ka Ginawa sa Cine Adarna ng UP Film Institute kung saan dumalo ang Batangas governor sa huling pelikula.

Sa mensahe nga ni Gov. Vi sa mga estudyanteng nanood, ipinaaabot niya   na puwedeng kapulutan ng aral ang kahit mahigit isang dekada nang pelikula niya.

Gaya ng role niya sa movie bilang si Lea Bustamante na may dalawang anak na magkaiba ang ama, ganoon din ang sitwasyon niya ngayon sa totoong buhay.

“Sa parteng ‘yon ako nakaka-relate kay Lea! Ha! Ha! Ha! Wala naman akong problema sa mga tatay ng mga anak ko. It’s how you treat your children. Na maintindihan nila ‘yung isa’t isa na may ama ‘yung isa na iba. Dinaanan ko rin ‘yon. Hindi mo naman mapapaliwanag na iba ang tatay mo, iba ang tatay niya. Bakit ganoon? And yet magkapatid sila.

“Pero hindi ibig sabihin nu’n ay masama nang babae si Lea or ako dahil magkaiba rin ang tatay ng anak ko. But I have a full life. I have a strong family. So para bang hindi nagiging judgmental. ‘Yang buhay ni Lea diyan, it’s part of my life! Kaya nga sabi ko kanina, si Lea Bustamante at ako ay iisa lang,” pahayag ni Ate Vi.

Wala raw siya dapat ipag­hingi ng paumanhin sa nangyari sa kanya.

“No regrets. No nothing. ‘Yan ang buhay na binigay sa akin and I am proud of it at naitaiwid ko siya, ‘di ba? Naitawid ko siya. Ngayon kasi, ‘pag nagawa mo noon at napapanood mo ngayon, doon mo mari-realize na ganoon pala ang ginawa ko? Ganoon pala ang dialogue ko,” saad ng Star For All Seasons.

Kaya ba niya ulit gawin ‘yon sa movie niya?

“Kaya naman, Jun! Diyos ko naman! Ha! Ha! Ha! ‘Yun na! Ang ganda pala. Pati dialogues niya?” sey niya.

Ang isang nagmarka sa kanya ‘yung dialogue niya na, “’Yung sana napapasok ng kaluluwa” kapag nakikipagtalik ang mag-asawa.

“Totoo ‘yon eh,” rason ni Gov. Vi.

Napasok na ba ang “kaluluwa” niya?

“Huh? May kaluluwa ako! Ha! Ha! Ha!”

May nakapasok na sa “kaluluwa” niya?

“Siyempre! Ha! Ha! Ha! At nabasa nila ang isip ko’t kaluluwa ko! Nabasa nila,” katwiran ng Star For All Seasons.

Dahil nga sa pagri-restore ng past movies niya, naalala niya tuloy ‘yung pag­hihirap niya nang i-produce ang Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak. Minsan kasing hanapin niya ang master copy, hindi rolyo ng pelikula ang nakita nila sa lalagayan kundi mga bato, huh!

Eh sa coming movie nila ni Angel Locsin, dramang-drama rin ba?

“Hindi! We’re making it lighter. Kami ni Gel…Plinano rin nila Inang (Olive Lamasan) at nina Malou (Santos), ni Ma’am Charo (Santos-Concio), to make it lighter. May confrontation kami pero hindi masyadong mabigat.

“Although very distinct ang mga character namin. Caregiver ko si Angel. Parang mayaman…Naku, ibinigay na ang istorya! Mayaman na may sakit. Pero mayaman siya.

“Excited ako, excited ako. Pero…Ayaw lang nga ni Luis kasi baka mapi-personal talaga. Nanay niya ako talaga. Girlfriend niya si Angel. Parang masyadong binibenta. Commercial which naintindihan ko ang anak ko.

“Tama lang siya. I respect his decision,” katwiran ni Gov. Vilma.

Nagsama man sa Mano Po sina Ate Vi at Angel, ngayon lang talaga sila magsasama ng one on one. Eh kung sakaling magpakasal sila Luis at Angel?

“Sana naman hindi sakali. Looking forward ako. They’re both mature. Kung magpakasal, why not? Mature na siya at mature na rin ang anak ko, meron na silang sariling desisyon sa buhay.

“So kung ano ang magiging desisyon nila, nandito lang ako. Kung matutuloy na, well, looking forward to an apo, ‘di ba? Wala na kaming baby sa pamilya eh.

“So I hope they can find time also. But decision nila, hindi ako,” rason ni Ate Vi.

Matapos daluhan ang kanyang Vx3 Festival, next week naman ay bibigyan siya ng Ani ng Dangal award ng National Commission on Culture and the Arts. And take note, nagawa pa niyang mag-invite sa guesting niya sa ASAP20 sa February 22 kung saan kakanta raw siya, huh!

“Hoy, bayad ang kanta ko, huh! Ha! Ha! Ha!” diin ni Governor Vilma bago nagpaalam sa media, sa taga-ABS-CBN, Star Cinema at Vilmanians.

AKO

ATE VI

BATA

FILM INSTITUTE

KAYA

LEA BUSTAMANTE

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with