^

Pang Movies

Michael nagta-trabaho sa GMA kahit walang kontrata

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mainstay na ba ng Pepito Manaloto sina Ricky Davao at Freddie Webb? Muli kasi silang mapapanood sa another exciting episode ng Pepito Manaloto sa Sabado ng gabi. Bale tatay ni Richard Solinap si Ricky habang love interest ni Nova Villa si Freddie Webb. May edad na pero may loveteam pa rin. Talbog !!!.

Ibang klase tala­ga ang creativity ni Mi­chael V, the man behind Bubble Gang at Pepito Manaloto. Wala palang existing contract si Michael V for the longest time sa GMA. Pero sobra ang pagmamahal niya sa GMA na hindi niya iniiwan.

Kris walang magawa sa pambibira sa kapatid

Ano ba yan? Kung noon ay si Pope Francis ang tinutukan ng buong bansa ngayon ay ito namang Fallen 44 ang tinututukan ng lahat ng sektor ng Pilipinas.  Kaya hindi dapat sumama ang loob ni Kris Aquino dahil Pangulo ang kapatid na binabato ng marami from all sectors.

Naiintindihan namin siya bilang kapatid pero wala naman siyang magagawa sa sankaterbang bira sa kapatid. Iwasan na muna niya na magbasa ng mga komento para hindi siya maapektuhan at ipagdasal ang kapatid na malagpasan ang krisis na ito. Respetuhin na lang niya ang mga komento ng ilan sa kasamahan niya sa hanapbuhay dahil sa bandang huli ay kayu-kayo rin ang magsasama.

Chris natatanging host

Binabati namin Si Chris Tiu for winning Natatanging Narrative Informative Program Host for I Bilib sa Katatapos na MIT Gawad Kamalayan ng Mapua Institute of Technology noong Jan 29. Ginawaran din ang I Bilib ng Natatanging Informative Program Award. Napapanood ang I Bilib sa ­­GMA 7 tuwing Linggo ng umaga.

vuukle comment

BUBBLE GANG

CHRIS TIU

FREDDIE WEBB

GAWAD KAMALAYAN

I BILIB

KRIS AQUINO

MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY

PEPITO MANALOTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with