Pacman magbi-breakfast kasama ni U.S. President Obama!
Magkikita uli for the second time around sina Congressman Manny Pacquiao at U.S. President Barack Obama.
Lumipad si Papa Manny sa Washington DC para dumalo sa National Day of Prayer Breakfast.
Expected na dadalo si Obama sa event kaya malaki ang tsansa na magkita sila ng Pambansang Kamao.
Boxing lover si Papa Barack kaya type rin niya na matuloy ang bakbakan nina Papa Manny at Floyd Mayweather, Jr. Huwag na nating tanungin ang kakampihan ni Papa Barack. Obvious naman kung sino ang susuportahan niya.
Bulaklak sa Camp Crame hindi tinatanggal kahit tuyo’t na!
Hindi ko ide-deny na nagpadala ako ng mga bulaklak sa harap ng Camp Crame bilang pakikiramay sa Fallen 44 ng PNP- Special Action Force.
Kasama sa pakikiramay ko ang dasal na magkaroon ng hustisya ang kanilang pagkamatay.
Dumalaw uli ako kahapon kina Senator Bong Revilla, Jr. at Senator Jinggoy Estrada sa PNP Custodial Center.
Totoo ang tsismis, may mga bulaklak at kandila rin para sa Fallen 44 sa Boni Serrano Avenue entrance ng Camp Crame.
Take note, hindi inaalis ng mga pulis ang mga bulaklak, itsurang natutuyo na sila dahil sa tindi ng sikat ng araw.
Pero siyempre, mas marami pa rin ang mga bulaklak sa harap ng main gate ng Camp Crame.
Anjo tinawagan ni Kris, Jomari hindi totoong walang career
Nakarating sa akin kahapon ang tsismis na diumano, nakatanggap ng phone call si Anjo Yllana mula kay Kris Aquino dahil sa anti-P-Noy statements ng kanyang kapatid na si Jomari.
Hindi pa kumpirmado ang report kaya ginamit ko ang word na tsismis. Tatanungin ko muna sina Anjo at Jomari na siguradong hindi itatanggi ang balita kung totoo man ito.
Napakatapang ng mga statement ni Jomari na hindi nito pinabulaanan.
Ang akala ko nga, may gumamit lang sa pangalan ni Jomari pero hindi ito nag-deny kaya kumbinsido ako na siya nga at wala nang iba pa ang nagpahayag ng matapang na saloobin.
Siyempre, hindi mawawalan ng detractor si Jomari na normal lang.
May mga nag-dialogue na papansin lang si Jomari dahil wala itong career.
Gagamitin ko ang favorite expression ni Papa Mike Enriquez na “Excuse me po!” Hindi totoo na walang career si Jomari dahil humahataw sa ratings ang afternoon show niya sa GMA 7, ang The Half Sisters!
Maraming beses nang nabigyan ng extension ang The Half Sisters pero going strong pa rin.’Yun ba ang walang career?
Idinagdag nga sa cast ng The Half Sisters si Eula Valdes dahil siya ang magiging kaagaw ni Jean Garcia sa puso ni Jomari na bidang-bida sa teleserye. May I ask again, ‘yun ba ang walang career?
Anak ni Erap na si Jerika diretsahan din ang ‘galit’ kay Kris
London-bred si Jerika Ejercito kaya napaka-liberal ng mga pananaw niya sa buhay. The who si Jerika? Siya ang anak ni Papa Erap at love of my life ni Bernard Palanca.
Naging talk of the town ang love story nina Jerika at Bernard noong nakaraang taon dahil sa mga sitsit na hindi boto si Papa Erap sa kanilang love affair.
For 2015, talk of the town uli ang anak ni Papa Erap Estrada dahil sa pagbatikos niya kay Kris Aquino.
Kung kilala natin si Kris, hindi niya papatulan ang patutsada ni Jerika dahil baka lalo lamang itong sumikat at pag-usapan, eh hindi naman siya artista.
Kita n’yo naman, pinag-uusapan si Judy Ann Santos at hinahangaan ng publiko dahil lamang sa picture ni President Barack Obama na inilagay niya sa kanyang Instagram account. Si Jerika pa kaya na diretsahan ang pagbatikos kay Kris?
Tama naman ang sinabi ni Judy Ann na pinuna lamang nito ang hindi pag-apir ni P-Noy sa arrival honors sa Villamor Airbase, hindi niya binatikos nang personal ang dear brother ni Kris.
Para naman sa mga vaklush, si Jerika ang katapat ni Kris dahil bukod sa pareho sila na mga ex-presidential daughter, hindi rin agad natanggap ng kanilang mga magulang ang mga mhin na minahal nila. Bonus na lang na parehong may letter K ang kanilang mga name. Bonus daw o!
- Latest