^

Pang Movies

Richard Yap natakot mahipuan?! AiAi si Aljur na ang makakalandian sa Valentine concert

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Alive and kicking muli si Aljur Abrenica sa Valentine concert ni AiAi delas Alas sa The Theater sa Solaire Resort & Casino na I Heart Papa. Waley na kasi si Richard Yap na unang ibi­nalita ng komed­yana na makakasama niya sa concert kaya isa si Aljur sa pumalit sa Kapamilya actor.

Hindi na nagbigay ng dahilan pa si AiAi sa biglaang pagkawala ni Richard. Bahala na raw ang producer magsabi ng dahilan basta “technical difficulties” daw ang dahilan ng pag-urong ng aktor.

Hindi lang si Aljur ang makakalandian ni AiAi sa concert. Kasama rin sa show si JC de Vera at isa pang very special guest.

Ang Valentine concert ni AiAi ang pinakamala­king exposure ni Aljur mula nang idemanda niya ang GMA Network. Hindi lang namin alam kung ipinagpaalam ng young actor ang guesting niyang ito sa show ni AiAi, huh!

Naku, kahit naman wala si Richard, aandar din naman ang Valentine show ni AiAi, huh!

Dati nagso-solo lang Jeric nag-adjust nang mapasama sa grupo

Tanging si Jeric Gonzalez lang ang higit na kilala sa kasama niyang sina Abel Estanislao at Jak Roberto sa itinayong male singing group ng GMA Artist Center na 3Logy. Produkto ng talent search na Protégé si Jeric at nagbida na sa ilang GMA te­leseryes.

Aminado naman ang young actor na masaya siyang nakasama sa trio. Nakita kasi niya ang reception ng tao sa kanila sa show na ginawa sa SM Valenzuela.

“Halos lahat kami magkaka-same ang age. Magkakasundo pa kami kaya swak ‘yung mga bonding namin.

“Siyempre, naninibago rin ako dahil solo lang ako nu’ng una. Tapos, biglang kasama na ako sa grupo. Ayos lang naman po dahil mahilig naman ako sa music,” katwiran ni Jeric.

Isang pop-acoustic group ang 3Logy at ang una nilang kanta ay ang Maybe It’s You na iri-release digitally ng GMA Records. Ito rin ang theme song ng Koreanovela na My Name is Kim Sam Soon.

Hindi ba siya nalulungkot dahil naghiwalay na ang love­team nila ni Thea Tolentino na umaariba ang career bilang kontrabida sa The Half Sisters?

“Hindi naman po. Wala rin akong sama ng loob. Magaling naman si Thea eh. Sa tingin ko, kahit wala siyang partner, mapapansin siya roon. Kontrabida? Kaya ko rin naman, pero kung ako ang papipiliin, mas gusto siyempre na maging isang leading man,” saad ni Jeric.

Mga maliliit na negosyante tutulungang umasenso ng PLDT

Umiral na naman ang pagiging matulungin ng PLDT sa paglulunsad nito ng bagong programa na PLDT KaAsenso. Ayon sa PLDT Vice President and Head of Home Marketing na si Gary Dujali, likas kasing resourceful ang mga Pinoy kaya naman ibinabahagi ng PLDT ang isang simple pero affordable na produkto na puwedeng pagkakitaan ng mahilig magnegosyo.

Bilang simula, inilabas ng PLDT ang mininegosyo package, ang Plan 1888 na may kasamang Internet na high speed na hanggang 3 Mbps. Meron din silang Store Watch, isang security bundle para ma-monitor ang negosyo sa halagang P99 per month. Magkakaroon ng chance ang negosyante para sa live feeds gamit ang kanilang smartphone, tablet o laptop upang malaman ang nangyayari sa negosyo.

Pero ang pinakabonggang PLDT KaAsenso ay ang Cyberya – all in one Internet na may kasamang computer set cabinet, coin-operated timer at powered by PLDT Home DSL. Upang magkaroon ng awareness ang publiko sa produkto, nakipag-tie up ang PLDT sa Juan For All, All For Juan ng Eat Bulaga. Ang Cyberya ang ipinamimigay sa masuwerteng lucky viewers.

Sa launching ng Cyberya, apat na units ang ipina-raffle nila sa media. Para sa dagdag na detalye sa Cyberya, mag-log on sa pldtkaasenso.com.

ABEL ESTANISLAO

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ALL FOR JUAN

ANG CYBERYA

CYBERYA

JERIC

NAMAN

PLDT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with