MJ Lastimosa dine-dedma ng mga bading!
Natabunan ng Mamasapano Massacre ang news ng pagbabalik sa Pilipinas ni Mary Jean Lastimosa, ang Philippine bet sa Miss Universe 2014.
Hindi na pinansin ng mga bading ang pag-uwi ni MJ sa Pilipinas dahil Luz Valdez ito sa beauty contest na sinalihan pero kung nag-win siya, baka hindi maging big news ang malungkot na sinapit ng 44-SAF troopers na pinatay sa Maguindanao.
Natutuwa naman ako dahil involved na involved ang mga artista sa current events.
Alam nila ang isyu tungkol sa mga pulis na pinaslang sa Maguindanao at malaya sila na nagpapahayag sa social media ng kanilang mga nararamdaman na disappointment.
Wala nang puwedeng magbintang sa mga artista na puro katsipan lamang ang kanilang mga ginagawa. Na mahilig sila sa gimmick at cheap scandals.
Marami naman ang intelligent stars na sensible ang mga pahayag tungkol sa mga nagaganap sa ating bayan. Nakikiluha sila sa mga pamilya na naulila ng Fallen 44 na nagsusumamo na bigyan ng katarungan ang pagkamatay ng mga mahal nila sa buhay.
AIAI hindi nailihim ang pakikiramay sa mga 44 fallen heroes
Nakiramay si AiAi Delas Alas sa pamilya ng mga nasawi.
Nagpunta kahapon si AiAi sa Camp Bagong Diwa para magbigay ng respeto sa mga pinatay na pulis pero hindi sila nagpang-abot ni Kris Aquino.
Malapit si AiAi sa mga miyembro ng PNP dahil may pulis na inaanak niya sa kasal.
Madaling-araw nang makiramay si AiAi para hindi siya makunan ng mga TV camera pero mali ang kanyang akala dahil 24 Oras na nakatutok sa Camp Bagong Diwa ang news crew ng mga television network.
P-Noy hindi tinitigilan ng batikos, iba pang kapatid sangkot na rin
Hindi lamang si P-Noy ang nagpunta kahapon sa necrological service para sa Fallen 44 dahil namataan din sa Camp Bagong Diwa ang kanyang mga kapatid na babae at ang mga asawa nito.
Pero wa effect sa mga tao ang pag-apir ng magkakapatid dahil pinairal nila ang pagiging malisyoso. Para sa kanila, damage control ang ginawa ng Aquino siblings dahil sa katakot-takot na batikos kay P-Noy na pinili na pumunta sa inauguration ng isang planta ng sasakyan kesa salubungin sa Villamor Airbase ang mga pinatay na pulis.
Fil it up parang hindi kinunan sa ‘Pinas
Bago ko makalimutan, may-I-remind ko sa lahat na ngayong gabi ang pilot telecast ng Fil It Up, ang travel show na mapapanood sa GMA News TV tuwing Sabado, 9:45 pm.
Si MiG Ayesa at ang America’s Next Top Model na si Sophie Sumner ang mga host ng Fil It Up ng isang world class travel and lifestyle show.
Isa sa mga producer ng Fil It Up si former Congressman Miles Roces. Sumusumpa si Miles na magugustuhan ng televiewers ang programa dahil sa kakaibang concept nito.
Bukod sa GMA News TV, may plano si Miles na ipalabas sa ibang bansa ang Fil It Up dahil may international appeal ang show.
Napanood ko na ang ilan sa mga eksena ng Fil It Up kaya ako mismo ang makapagsasabi na pulido at mataas ang quality ng programa. Naging dayuhan ako sa sariling bayan dahil parang hindi sa Pilipinas ang mga tourist spot na pinuntahan nina MiG at Sophie.
- Latest