^

Pang Movies

Ruffa may trauma pa rin sa ‘kapatid’ na stalker!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Traumatic din para kay Ruffa Gutierrez ‘yung nangyari sa bahay nila sa White Plains dahil sa lalaking nagtakang pasukin ang bahay ng mga magulang at nagpakilalang anak ng tatay ­niyang si Eddie Gutierrez. Kapatid daw niya ang lalaki, huh!

Ikinuwento ng aktres ang pangyayaring ‘yon sa press launch ng  Cosmo Skin Premium Collagen na bagong produkto ng BargnFarmaceuticalsPhils. Co (BFPC) nina Niño Bautista at Red Gatus. Inihahalo ng ilang patak ang produkto sa alinmang inumin at gaganda na ang kutis ng isang tao.

“Naku, hindi confirmed, huh! Ha! Ha! Ha! Nakakaloka! Na-stress ako ng madaling-araw! ‘Bakit kaya I have so many missed calls?’ That’s weird. My mom is usually asleep ‘pag ten or eleven o’ clock, tulog na siya!

“Ewan ko. Para akong witch sometimes nagigising na lang ako out of the blue. And parang kinakabahan ka. Pagtingin ko sa phone ko, five missed calls. Emergency siguro ito that’s why I called my mom! ‘Day, ‘Day! Naku, may stalker ako sa gate. Gustong umakyat ng bahay. Nagtapon ng tatlong bag!’ Eh, this was the height of Paris terror issue.

“Sabi ko, ‘Ano ‘yon?’ So talagang nakakatakot talaga! Grabe ‘yung White Plains na CCTV. Ang galing nila. Thank God, umaandar ang CCTV nila. Kasi nakita talaga nila kung saan nagpunta ‘yung mama.

“Na tinapon lahat ng bag, wala namang bomba or anything puro ID niya at mga damit. ‘Yun nga nang hinuli siya ng mga barangay tanod, anak daw siya  ni daddy! Ang nakakaloka, my dad and his alalay, nagbibilang talaga! Kung meron talaga siyang naging girlfriend, 25 years ago! Ayyy nakakaloka!

“Sabi ko, ano ba ‘yan? And then, binibigyan pa ng mommy ng pera kasi akala walang pera, kailangan ng pera. Tinarayan si mommy! ‘No, I don’t need that! I’m rich! I can afford!’ Hay! Hindi ko na alam for me, stalker lang siya!” pahayag ni Rufing.

Ayon naman kay Tita Annabelle nu’ng huli naming makausap tungkol dito, mestizo rin daw ‘yung lalaki pero ayaw na niyang i-entertain kung anak nga siya ni Tito Eddie. Pero sinabi man niyang taga-Bataan ang babae, hindi naman niya sinabi kung ano ang pangalan niya, huh!

Anyway,  bukod sa bagong endorsement, ang season three ng It Takes Gutz to be a Gutierrez ang inaasikaso ni Ruffa bukod pa sa ibang pagkakakitaan sa social media at ang fashion show na gagawin na sasalihan ng mga anak na sina Lorin at Venice.

Eh, nagkaayos na ba ang mommy niya at boyfriend na si Jordan?

“Ewan ko pero ang alam ko, niregaluhan siya ni mommy ng isang mamaha­ling tie!” tugon pa ni Ruffa.

Dalawang rock singer isinusumpa ang isa’t isa

Malabo na yatang magkasundo pa ang dalawang rock singers na kilala. May isang event sana na magsasama ang dalawa pero kanya-kanya naman sila ng performance at hindi magsasama sa stage.

Actually, last year pa plinano ang malaking concert ng mga OPM singer. Nang malapit na ang event, isa sa kanila ang diumano ay nag-back out. Wala naman daw sinabing dahilan ang singer na nag-back out pero feeling ng orga­nizer, hindi pa tapos ang hidwaan ng dalawa.                                               

vuukle comment

COSMO SKIN PREMIUM COLLAGEN

EDDIE GUTIERREZ

EWAN

LEFT

WHITE PLAINS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with