^

Pang Movies

Guwapong seminaristang pinagpiyestahan sa social media, itinago na ng Simbahan?!

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines – Mukhang itinago na muna ng simbahang Katoliko ang guwapong kumanta sa responsorial psalm noon sa Manila Cathedral na si Kenneth Rey Parsad na taga-Abra at nag-aaral sa UST Central Seminary.

Aware pala siya sa mga lumabas sa social media at naaliw siya. Pero tumatatak sa isip niya na laging magpakumbaba na itinuro ng ina niya.

Hindi na namin siya nakita sa misa sa Luneta although nandun ang mga kasama niya. Ang singer na si Erik Santos ang humalili sa kanya.

Pinagpistahan kasi sa social media ang guwapong deacon na malapit nang maging Pari.

Si Erik naman ay nasa cloud nine pa rin sa hindi niya maintindihang pakiramdam habang kumakanta siya sa harap ng anim hanggang pitong milyong taong dumalo sa huling misa ng Santo Papa. Kakaibang pagkakataon nga naman ang pag-awit niya sa harap ng Santo Papa na nakikinig sa awit niya ng reponsorial psalm.

Barbie bumawi sa promo ng ewan...

Wala namang ikinomit or confirmation mula sa kampo ni Barbie Forteza tungkol sa nakaraang presscon ng pelikula niya na hindi niya nasipot.

Bumawi naman siya sa premiere night ng kanilang pelikulang #ewankosau Saranghaeyo. Alam naman pala ng mga producer ng movie na hindi siya puwede sa araw na ‘yun. Kaya ‘di pala ‘yun dapat pag-usapan.

Speaking of Barbie, hindi natinag ang The Half Sisters, ang afternoon teleserye ng GMA-7 ng teleseryeng katapat na nagsimula na. Maski raw ang Yagit ay tagumpay din sa ratings sa mga bagong katapat. Kaya tuluy-tuloy at nai-inspire ang mga writers ng The Half Sisters at Yagit at pati na rin ang malapit nang matapos na Ang Lihim Ni Annasandra.

Mikael at Kylie nakiisa sa pagtulong

Nataon naman sa adhikain ni Pope Francis na alagaan ang mga bata lalo na ang mga kapus-palad sa pagtulong ng GMA Artist Center stars at Save the Children Ambassadors na sina Mikael Daez at Kylie Padilla sa pagdiriwang ng kanilang kaarawan ang mga mag-aaral ng Pag-asa Elementary School sa Caloocan City.

Noong  Enero 11, nakihalubilo sina Mikael at Kylie sa mga bata ng eskuwelahan. Nagkaroon din ng storytelling portion.

Humigit-kumulang 70 na bata, na may edad pito hanggang siyam ang naki­saya at nakigulo sa dalawang Kapuso stars.

ANG LIHIM NI ANNASANDRA

ARTIST CENTER

BARBIE FORTEZA

CALOOCAN CITY

CENTRAL SEMINARY

ELEMENTARY SCHOOL

HALF SISTERS

NIYA

SANTO PAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with