^

Pang Movies

Magagandang lugar sa Italy nalibot ng mag-asawang Dingdong at Marian

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nilibot ng mga bagong kasal na sina Dingdong at Marian Dantes ang magagandang lugar sa Italy na nagsimula sa Rome, Vatican, Palagio, Tuscany, Florence, Milan, Amalfi Coast in Positano. Then nag-travel sila by train from Napoli, Italy on their way to Spain, to the waiting Gracia family of Marian, para mas marami pa silang makitang magagandang lugar. Tips ito ng Accesstravel at pagdating naman sa masarap na food and restaurants, ang tips ay from Margarita Fores na siyang in-charge sa food nila noong wedding reception nila.

Jennylyn nagsalita na sa pagtaas ng talent fee

Tumawa si Jennylyn Mercado sa grand presscon ng bago niyang drama series na Second Chances nang tanungin siya if true na nagtaas na siya ng talent fee matapos niyang tanggapin ang kanyang first Best Actress award sa katatapos na 40th Metro Manila Film Festival (MMFF) sa movie niyang English Only, Please.

“Naku, hindi po,” sagot ni Jen. “Bonus na po iyong award, ang talagang ipinagpasalamat ko, nagustuhan ng mga tao ang movie at lumabas silang masaya sa napanood nila. At by word of mouth, umakyat po kami sa ranking ng festival entries.”

Hindi ipinagkaila ni Jen na binigyan sila ng bonus ng Quantum Films dahil sa success ng movie. At sure na ring magkakaroon ng follow-up movie sila ni Derek Ramsay pero kasama raw sila sa conceptualization ng magiging next project nila.

Ngayon, balik muli sa pagpapaiyak si Jennylyn ng mga TV viewers sa Second Chances. Matagal-tagal ding nagpahinga si Jennylyn sa drama after ng pinag-usapan din niyang pagganap sa triple characters na Rhodora X last year.

Sa pilot week pa lamang, kahit nag-start na siya na masaya sa piling ng husband niya played by Luis Alandy and their son, napatay ang kanyang mag-ama at naiwan siyang mag-isa.

Bukod sa new TV series ni Jennylyn, maganda talaga natapos ang 2014 niya at nagsimula ang 2015 with a bang. Ano kaya ang dahilan?

“Siguro po dahil very positive ang point of view, na-realized ko rin na malaki ang maitutulong nito sa akin, kinalimutan ko na iyong naging bad vibes, nakatulong po itong story ng Se­cond Chances na sinimulan ko nang gawin nang nagsu-shooting ako ng English Only, Please.

Mairi-release na rin ni Jen ang new album niya sa GMA Re­cords, in time sa Valentine concert niya on February 13 sa SM North EDSA’s Skydome titled Oo, Ako Na, Ako na lang Mag-isa! Samahan N’yo Naman Ako!

Kumusta naman ang lovelife niya? Ngayong magkasama sila ni Raymart sa soap, muling nabuhay ang issue sa kanila.

“Hindi po ako magtataka kung maging issue muli dahil dati na ngang issue, pero napatunayan namang hindi po totoo. Naging close kami noon ni Raymart nang ipakilala niya ako sa triathlon team niya. Nagustuhan ko ito at kahit wala na si Raymart tuloy pa rin ako sa triathlon team niya.”

Pinanindigan din ni Jennylyn na walang balikang nangyayari sa kanila ni Dennis Trillo. Nagkikita man daw sila, iyon ay kapag sumasali ang actor sa kanilang triathlon team.

Ang Second Chances ay mapapanood na simula mamaya, sa GMA-7 pagkatapos ng Once Upon A Kiss.

Jaclyn tahasang sinabi na suwail ang anak na si Andi!

Magkaaway na naman pala ang mag-inang Jaclyn Jose at Andi Eigenmann. Ayon kay Jaclyn, sa set ng primetime drama series niyang More Than Words, hindi niya talaga matanggap na boyfriend ng anak si Bret Jackson at mas gusto pa rin niya si Jake Ejercito na kilala niya ang pagkatao. Biniro tuloy si Jaclyn na parang story nilang mag-ina ni Ikay (Janine Gutierrez) ang story nila ni Andi. At least daw si Ikay ay mabait at sinusunod siya. Nakaka-relate daw siya sa role niya sa More Than Words na napapanood gabi-gabi after ng 24Oras.

 

 

vuukle comment

AKO

AKO NA

ENGLISH ONLY

JACLYN

JENNYLYN

MORE THAN WORDS

NIYA

RAYMART

SECOND CHANCES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with