^

Pang Movies

Dapat magising sa katotohanang wala pang nararating aktor na mayabang tsinugi sa serye

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Natsugi sa cast ng teleserye ang isang aktor dahil hindi niya nagampanan nang mahusay ang kanyang role.

Ipinalit sa aktor na tsinugi ang another actor na nagkaroon na ng acting award.

Wake up call sa aktor ang nangyari para mabawasan ang kayabangan niya. Napansin ng mga kaibigan at fans ng aktor ang pagbabago ng ugali nito nang magkaroon siya ng name sa showbiz at ma-link sa isang aktres. Nag-feeling sikat ang mahaderong aktor na natameme sa pagkakatsugi niya sa teleserye.

Hindi lalampas sa limampu ang invited Kasal ni Yeng sa non-showbiz BF tipid na tipid

Very private ang kasal ni Yeng Constantino at ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Ayaw ng future couple ng kasalan na engrande dahil mas pinaghahandaan nila ang kanilang kinabukasan.

Piling-pili rin ang invited guests sa forthcoming wedding ni Yeng. Hindi raw lalampas sa limampu ang mga bisita na iimbitahan sa kasal niya.

Gov. Vi siguradong mabilis aaksyunan ang masikip na trapik sa Lipa

Maraming salamat sa aking bestfriend na si Pinky Tobiano dahil sa treat niya sa akin kahapon sa The Farm.

Kahit overnight lang, nag-enjoy ako at aking mga kasama sa brief vacation namin sa The Farm.

Sinabi sa akin ni Mama Pinky na dapat masundan ang bakasyon namin sa The Farm. Sino ba ako para humindi eh feeling reyna ako sa treatment sa amin ng mababait at magagalang na staff ng The Farm.

Isa lang ang naging problema ko habang pa­­punta kami sa The Farm ng mga kasama ko, ang traffic situation sa Lipa City nang mag-exit ang sasakyan namin sa Startoll.

Nakaranas kami ng masikip na trapik at ito ang gusto ko na iparating kay Batangas Governor Vilma Santos-Recto.

Mabilis umaksyon si Mama Vi. Knowing her, tiyak na gagawa siya ng paraan na malutas ang problema sa trapik na napansin ko. Ipararating niya agad sa alkalde ang problema na nararanasan ng mga pumupunta sa Lipa City.

Dennis at Kris hindi type ang isa’t isa

Ngayon ang huling gabi sa telebisyon ng Hiram na Alaala ng GMA-7.

Simula sa darating na Lunes, ang Se­cond Chances na ang mapapanood sa timeslot na maiiwan ng Hiram na Alaala.

Wala tayong nabalitaan na nag­kagustuhan sina Dennis Trillo at Kris Bernal sa set ng Hiram na Alaala. Siguro nga, hindi nila type ang isa’t-isa kaya walang tsismis na nagkaroon sila ng relasyon o whatever habang ginagawa nila ang kanilang teleserye na magbababu ngayong gabi sa ere.

Dennis kainin kaya ang sinabi tungkol sa mga naging ex-GF?!

Ex-dyowa ni Dennis Trillo si Jennylyn Mercado. Hindi maganda ang paghihiwalay ng dala­wa pero magkaibigan na sila nga­yon kaya may mga umaasa na magkaroon ng Part 2 ang kanilang love affair.

Parang malabo na magkaroon ng second chance ang relasyon nina Dennis at Jennylyn, kung paniniwalaan natin ang pralala noon ni Dennis na wala itong ex-girlfriend na binabalikan at mapatutunayan nina Cristine Reyes, Bianca King, at Carlene Ocampo.

vuukle comment

ALAALA

BATANGAS GOVERNOR

BIANCA KING

CARLENE OCAMPO

DENNIS TRILLO

HIRAM

LIPA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with