^

Pang Movies

Mga rosas na disenyo sa harap ng simbahang pinagkasalan nina Dong-Yan umabot ng P2-M!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Magandang-maganda ang pagkabihis ng harap ng Immaculate Concepcion Cathedral of Cubao sa wedding ceremony ng Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera kahapon, sa pamamagitan ng mga mamahaling white roses imported abroad, ang paboritong bulaklak ng aktres. Balitang umabot ng dalawang milyong piso ang pag-aayos lamang sa decors at lighting ng loob ng Cathedral na may Spanish motif.

Chef Boy magluluto ng espesyal na media noche

Alin kayang New Year Countdown ang dadaluhan ng maraming tao mamayang gabi sa paghihiwalay ng 2014 at pagsalubong sa 2015. Every year napapanood namin ang napakaraming tao sa New Year Countdown Special ng GMA Network sa SM Mall of Asia (MOA). Ngayong gabi, sa Seaside Boulevard ng MOA gaganapin ito sa pangunguna ni Chef Boy Logro na mula 10:00 p.m. ay magsisimula nang magluto ng special media noche feast ang celebrity chef habang nagpi-perform naman ang mga Kapuso stars na sina Lovi Poe, Jennylyn Mercado, Kris Bernal, Alden Richards, Rocco Nacino, Christian Bautista, Mark Herras, Julie Anne San Jose, Jaya, kasama ng mga teen love teams nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia, Miguel Tanfelix at Bianca Umali at mga mahuhusay na singers ng Kapuso Network. Si Master Showman German Moreno ang magli-lead ng top of the hour portion sa countdown kasama ang mga executives ng main sponsors ng show ang Tanduay and Alaska Krem Top at ang magandang fireworks display sa Manila Bay.

Babalik din agad sa Australia Jasmine umuwi ng ‘Pinas para lang sa countdown ng TV5

Naiiba naman ang The Philippine New Year Countdown sa Happy sa 2015 ng TV5 na gaganapin sa Quezon Memorial Circle, dahil maghapon ang celebration na magsisimula ng 10:00 a.m. para sa registration ng mga sasali sa The Only New Year Artista Search. At 11:00 p.m., magsisimula na ang show to be led by Kuh Ledesma, Gab Valenciano, Jasmine Curtis Smith (na uuwi muna rito from Australia to attend the countdown at bukas, January 1, babalik muli sa Australia para sa New Year celebration niya with her mom, sister Anne Curtis and brother Tom), Talentadong Pinoy finalists and other Kapatid stars. Hosts ng show sina Ogie Alcasid, Gelli de Belen, Derek Ramsay, and Alice Dixson. Magsisimula ang fireworks display ng 11:40 p.m. from Canada and the Philippines hanggang 12:15 a.m. na susundan ng street party with live bands.  Ang special countdown ay handog ng The MVP Group of Companies.

Pinaghandaan ni Mayor Erap First time na countdown sa Maynila sing-bongga raw ng sa New York at London

First time namang magkakaroon ng Sulong Manila 2015 Countdown ang City of Manila na pangungunahan ni Manila Mayor Joseph Estrada, at proyekto ng Mare Foundation ni former Senator Loi Ejercito.  Gagawin ito sa pagitan ng Manila Diamond Hotel at Ramon Magsaysay Building sa Roxas Boulevard. Ang countdown ay bongga raw tulad ng mga pamosong countdown sa Times Square sa New York at The Eye sa London.

Mangunguna sa mga performers sina James Reid at Nadine Lustre, with Julian Estrada, Giselle Sanchez, Arnell Ignacio, Rivermaya, Kenyo, DJ Tom Taus, DJ Gavin Skewes, DJ Dan Torres at ang DAMAS Children Choir.  Kasabay ng sa paghihiwalay ng taon ang fireworks display.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALICE DIXSON

ANNE CURTIS

ARNELL IGNACIO

AUSTRALIA JASMINE

BIANCA UMALI

CANADA AND THE PHILIPPINES

COUNTDOWN

NEW YORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with