^

Pang Movies

Pananakot nina Kris at Coco bitin!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Nagtagumpay si Direk Chito Roño na manindak sa pelikulang Feng Shui 2 sa pangunguna nina Kris Aquino at Coco Martin. Humahataw ngayon sa takilya ang kanilang entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Maraming gulat factor ang movie na kahit dalawang beses na naming inulit panonoorin ng mga bagets kong kasama sa sinehan ay napapahiyaw pa rin kami sa mga eksena.

Akala ko nga, matapang na ‘yung katabi kong pulis, pero natawa kami nang napahiyaw ito nang malakas sa gulat sa isang eksena sa movie.

Hindi nagkamali si Coco na gawin nila ni Kris ang part 2 ng Feng Shui.

Sabi ni Kris, hanggang ngayon ay sakto pa rin sa kanya ang role bilang Joy na isang suvivor sa mga bagyong pinagdaanan niya sa kanyang buhay. Pero sa pagbabagong-buhay ni Joy katulad ni Kris, ay hindi niya maiwasan na may babalik pa ring nakaraan at muli siyang hahamunin para tumayo at lumaban.

Isang “brillant” naman ang pagkaka-describe ni Kris sa pagiging aktor ni Coco. Matagal na siyang bilib sa husay umarte ni Coco, pero ngayong magkasama sila ng aktor bilang Lester sa Feng Shui, mas nakita ni Kris kung gaano ang dedikasyon nito sa kanyang craft.

Kaya ramdam din ng moviegoers ang totoong emosyon, takot, at nerbyos ni Coco na click na click ding magpakuwela at siyang nagdala sa movie.

Saludo naman si Kris kay Direk Chito dahil napakametikuloso raw nito pagdating sa trabaho. Ngayon pa lang ay napag-uusapan agad ang part 3 ng Feng Shui dahil sa mga biting eksena na iniwanan sa mga manonood ng movie. Tulad ng pag-upload sa Facebook ng picture ng bagwa ni Beauty Gonzales sa last part ng pelikula, kaya maraming nag-like dahil sa na-engganyong pampasuwerte hatid nito. Obvious na dudugtungan pa ni Direk Chito ang kuwento ng movie para sa susunod na MMFF.

vuukle comment

BEAUTY GONZALES

COCO MARTIN

DIREK CHITO

DIREK CHITO RO

FACEBOOK

FENG SHUI

KRIS

KRIS AQUINO

METRO MANILA FILM FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with