^

Pang Movies

Dahil sa sobrang takaw sa alak, magaling na drama actor pinagpahinga ng kanyang network

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi na dapat magtaka ang pasaway na drama actor na ito kung bakit hindi na muna siya kinukuha para sa anumang teleserye ng isang TV network.

Sobra raw kasi ang problemang dinala nito sa kanilang production at masyado na raw abusado sa kabaitan nila. Kaya blacklisted muna siya sa anumang shows ng naturang network hanggang hindi ito nagpapakatino.

Kuwento nga ng source namin na marami raw ginawang kalokohan ang drama actor na ito sa kanilang set, pero pinalalagpas na lang nila dahil magaling naman daw ito kapag pinaarte mo na.

‘Yun nga lang, pati ang bisyo niyang pag-inom ng alak ay dinadala niya sa set na siyang unang pinagbabawal dahil may mga batang nasa cast ng show.

Pero pasaway nga ito at kapag dumating ito sa set ay amoy alak dahil kakagaling lang daw nito sa inuman.

Isa pang ikinaloka ng staff ay ang pagiging late nito sa call time. Minsan naman daw ay hindi na lang daw ito darating kahit na sinasabi nitong malapit na siya sa set.

Nabuking nga si drama actor ng director ng naturang teleserye. Kilala kasi nito ang kapitbahay ng drama actor. Noong wala pa ito sa set at panay ang text na on the way na siya, tinawagan ni direk ang neighbor ni drama actor at tinanong kung nasa unit pa niya ang drama actor.

Kinumpirma nga ng kapitbahay na nasa kanyang unit ang drama actor at kinunan pa niya ito sa balko­nahe niya na umiinom kasama ang ilang kaibigan.

Doon na raw napuno ang director at nagpasabi na hindi na niya kukunin ang pasaway na drama actor sa next teleserye niya.

Kaya noong dumaan ang ilang buwan na walang work si drama actor, panay ang kulit nito sa mga talent coordinator na kunin siya. Pero sinabihan siyang bakasyon muna siya sa naturang network dahil sa mga ginawa nitong hindi katanggap-tanggap.

Laking panghihinayang ni drama actor dahil kaliwaan pa naman daw parati ang bayad sa kanya tuwing matatapos siya sa taping. Ngayon ay nganga siya dahil sa pagiging pasaway niya.

Gabby walang reklamo

kahit anong role

 ang ibigay sa kanya 

Hindi naman daw tumanggi si Gabby Eigenmann kahit na pagkatapos niyang magbida sa teleserye na Dading ay nabigyan naman siya ng supporting role sa bagong teleserye na Once Upon A Kiss.

Gaganap nga siya bilang si Father Phillip Madasalin or Father Madz na siyang magiging gabay ng dalawang bida ng teleserye na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Sey nga ni Gabby na sobrang mahal niya ang GMA-7 kaya hindi raw siya maaaring tumanggi sa anumang role na ibigay sa kanya.

This Christmas nga magkakasama nga raw ulit silang buong Eigenmann family. Natutuwa nga si Gabby dahil matagal daw nilang hindi nagawa ito at nangyari lang ito ulit kung kelan sumakabilang-buhay na ang ama niyang si Mark Gil.

“It will still be a sad Christmas kasi wala na nga si daddy. We all miss him everyday.

“But we have learned to move on paunti-unti. Kahit may konting sting pa sa puso, still, we have to accept it.

“Kaya nga by being together on Christmas and New Year with the whole family, nawawala ang lungkot. Nagiging masaya.

“Sayang nga lang at bumalik na sa States sina lolo at lola (Eddie Mesa and Rosemarie Gil). They would have liked to stay sana until Christmas, pero they have other things to do rin doon,” pagtatapos pa ni Gabby Eigenmann.

Dating kasama ni Justin Timberlake sa ‘N Sync na umaming bakla kasal na sa BF

Kinasal na nga sa kanyang longtime partner ang former member ng ‘N Sync na si Lance Bass.

Nag-exchange “I do” nga si Lance sa kanyang partner na si Michael Turchin sa isang star-studded ceremony sa Park Plaza Hotel in Los Angeles last December 20.

Ipapalabas nga sa isang TV network ang kanilang wedding titled Lance Loves Michael: The Lance Bass Wedding.

Hindi nakarating ang isa pang member ng ‘N Sync na si Justin Timberlake dahil kasalukuyang nasa kanyang world tour ito na The 20/20 Experience. Pinarating na lang niya ang kanyang “best wishes” sa dalawa.

Noong 2006 nga inamin ni Lance Bass na siya ay gay at best friend nga niya ang lalaking kanyang kinakasama at ngayon ay mister na niya.

“Michael gets my crazy life and he fits perfectly into it,” sey ni Lance sa People magazine.

“We’re best friends. I do think it’s going to be very easy for Michael and I to adjust to married life since it already feels like we’ve been married for years.”

vuukle comment

ACTOR

DRAMA

N SYNC

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with