^

Pang Movies

The Gift Giver magbibigay ng pinaka-masayang Pasko ngayong Biyernes

Pang-masa

MANILA, Philippines – Halaga ng pagpapatawad at pagmamahal ng magulang at pamilya ang mga aral na ibabahagi sa TV viewers ng Christmas TV special ng ABS-CBN na Give Love on Christmas sa pagtatapos ng una nitong kuwento na The Gift Giver ngayong Biyernes (Disyembre 19).  Sa kabila ng kanyang kagustuhan na manati­ling buo at matatag ang kaniyang pamilya, mas pipiliin na lamang ni Ernest (Eddie Garcia) na lumayo at maging mapag-isa matapos maranasan ang hindi magagandang pakikitungo ng kaniyang mga anak. Ano ang gagawin nina Julie (Dimples Romana), Eric (Carlo Aquino), at Rose (Aiko Melendez) sa oras na tuluyan nang lumayo ang loob sa kanila ng amang si Ernest? Matututunan na ba nila na bigyan ng importansya ang pagmamahal at lahat ng sakripisyo na ginawa nito para sa kanila? Sa huli, makukuha pa ba ni Ernest ang hinihiling niyang ‘best Christmas ever’ kapiling ang mga pinakamamahal niyang anak? Ang Give Love on Christmas ay ang Pamaskong handog ng Dreamscape Entertainment Television, ang grupong lumikha ng mga de-kalibre at top-rating TV masterpiece gaya ng Walang Hanggan, Ina Kapatid Anak, Juan dela Cruz, at Ikaw Lamang.

Huwag palampasin ang huling linggo ng kuwentong The Gift Giver sa Give Love on Christmas tuwing umaga, bago mag-It’s Showtime sa Prime-Tanghali ng ABS-CBN.

vuukle comment

AIKO MELENDEZ

ANG GIVE LOVE

CARLO AQUINO

DIMPLES ROMANA

DREAMSCAPE ENTERTAINMENT TELEVISION

EDDIE GARCIA

GIFT GIVER

GIVE LOVE

IKAW LAMANG

INA KAPATID ANAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with