^

Pang Movies

Dating may-ari ng junk shop, may-ari na ng hotel sa Boracay puro ginto rin ang dekorasyon sa bahay!

Pang-masa

MANILA, Philippines – Ngayong Miyerkules, kilalanin ang negosyanteng si Joey Peña na nagsimula sa negosyo ng junk shop pero ngayon ay may-ari na ng isang hotel sa Boracay sa lifestyle program na Powerhouse sa GMA7.

Aminado si Joey na ipinanganak siyang may-kaya sa buhay pero dahil nalulong siya sa bisyo, naranasan niyang maghirap at magsarili. Para makabawi sa pamilya, naisip niyang pasukin ang negosyo ng junk shop. Dito niya napatunayang may pera sa basura. Mula rito ay nagsunud-sunod na ang kanyang suwerte hanggang sa makapagpatayo sila ng isang hotel sa Boracay.

Isang bahay rin sa isang subdibisyon sa San Juan ang naipatayo ni Joey. Si Architect Noel Gonzales ang nagbihis sa kanyang Victorian-inspired na tahanan na may mga muwebles na pinasadya pa mismo mula sa Italy.

Ginto ang prominenteng kulay ng buong bahay na may labing-isang kuwarto.

Alamin ang “magic touch” ng negosyanteng si Joey Peña ngayong Miyerkules sa Powerhouse, 4:35 p.m. sa GMA-7.

vuukle comment

ALAMIN

AMINADO

BORACAY

DITO

JOEY PE

NGAYONG MIYERKULES

SAN JUAN

SI ARCHITECT NOEL GONZALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with