^

Pang Movies

Ginawa lang kabit sexy actress nauntog na sa kinababaliwang BF na may pamilya na sa ibang bansa

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Gusto na ngang hiwalayan ng dating sexy actress na ito ang kanyang current non-showbiz boyfriend. Ilang taon na rin daw silang may lihim na relasyon, pero dumating na raw sa point na wala nang nararamdaman na pagmamahal si babae sa kanyang boyfriend.

Isa nga sa ayaw ni dating sexy actress ay emotionally sinasaktan siya nito.

“Grabe ang lalaking ‘yan. Kung saktan niya emotionally ang babaeng ‘yan. Damdamin ang tinitira niya.

“Mas gugustuhin pa nga ng lukaret na ‘yan na pisikal siyang saktan kesa ‘yung pinaglalaruan ang damdamin niya. Sobra niyang mahal ang baliw na lalaking ‘yan,” tili ng aming source na close sa dating sexy actress.

Malaki nga ang isinakripisyo ng dating sexy actress para lang sa relasyon nila. Pero ang inakala ng marami na binata ang lalaking sinamahan niya ay may ibang pamilya pala sa ibang bansa.

“Nakilala na nga ni babae ang pamilya ng boyfriend niya. Ang boyfriend niya mismo ang nagpakilala sa kanila sa kanya. Bilib nga ako sa tapang ng babaeng ‘yan. Pumayag siya na gawin sa kanya iyon ng lalaki. Hindi ko alam kung martir ba siya o tanga lang,” dagdag pa ng aming source.

Pinangakuan si dating sexy actress ng kasal ng kanyang boyfriend pero ramdam nito na wala itong balak na hiwalayan ang misis nito. Kaya ang pangakong kasal ay mukhang matagal pang mangyayari.

Ngayon ay naisip na ng dating sexy actress na hindi siya magiging masaya habang may kahati siyang iba sa kanyang boyfriend. Gusto na niyang iwan ito at mag-move on na.

“Sinayang lang niya ang mahabang panahon na nabaliw siya sa lalaking ‘yan. At least nagising na siya. Noon pa namin sinasabi na wala siyang kinabukasan sa lalaking ‘yan. Ngayon lang niya naisip na lugi siya at ginawa lang siyang kabit ng kinababaliwan niyang lalaki,” pagtatapos pa ng aming source.

Pinay sa Miss World nangangailangan ng tulong

Todo kampanya ang Eat Bulaga Dabarkads na si Paolo Ballesteros na iboto si Valerie Weigmann para sa People’s Choice Award ng Miss World 2014.

Kapag napili si Valerie sa award na ito, automatic na makakasama siya sa mga magiging finalists.

Ayon pa sa website ng Miss World: “The winner of the People’s Choice Award is announced during the latter stages of the Miss World Final, and the winner, if she is not already selected, will join the final few contestants on stage.”

Para maboto si Valerie, kailangang i-download ang nasabing Miss World App sa Google Play Store sa mga Android devices.

Nakatutuwa naman na sa gitna ng pagiging busy ni Paolo sa kanyang trabaho bilang host sa segment na All For Juan, Juan For All at sa pagme-make-up ay may panahon siyang tutukan ang kaibigan niyang si Valerie at sa paglaban nito sa Miss World.

Lady Gaga ibinunyag na nagahasa noong teenager pa lamang

Isang pasabog nga ang binitawan ni Lady Gaga sa radio show ni Howard Stern na nagahasa siya noong teenager siya.

Sey nga ng 28-year-old singer na ang kanyang bagong song, titled Swine ay tungkol sa rape at inilalarawan niya ang karanasan niya sa awitin na iyon.

“I wrote a song called Swine. The song is about rape.

“The song is about demoralization. The song is about rage and fury and passion, and I had a lot of pain that I wanted to release. I said to myself, ‘I want to sing this song while I’m ripping hard on a drum kit, and then I want to get on a mechanical bull’—which is probably one of the most demoralizing things that you can put a female on in her underwear—’and I want this chick to throw up on me in front of the world so that I can tell them, you know what? You could never, ever degrade as much as I could degrade myself, and look how beautiful it is when I do.’”

Tinanong nga siya ni Stern kung isang record producer ba ang gumahasa sa kanya? Sagot lang ni Gaga ay: “I don’t...I don’t want to... Happy times! Let’s talk about happy things!”

Dine-date ngayon ng singer ang lead actor ng TV series na Chicago Fire na si Taylor Kinney. Tinulu­ngan daw siya nitong malagpasan ang masasakit na alaala na iyon. Pero mas gusto nga niyang siya ang gumamot sa mga nakaraan niya.

“I’m going to take responsibility for all my pain looking beautiful. All the things that I’ve made out of my strife, I did that.

“It took me a long time to feel strong about it. I don’t know what I was thinking. I didn’t tell anybody. And I didn’t even tell myself for the longest time. And then I was like, ‘You know what? All this drinking and all this nonsense, you have to go to the source, otherwise it just won’t go away. It will not go away.”

vuukle comment

ALL FOR JUAN

CHICAGO FIRE

CHOICE AWARD

LADY GAGA

MISS WORLD

NIYA

SIYA

VALERIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with