^

Pang Movies

Sino ang mas magaling? Angelica at Jodi pagsasabungin!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Lumutang na ang pagri-remake nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ng hit teleserye ng ABS-CBN na Pangako Sa ‘Yo. Ito ang drama na nagpatingkad sa loveteam nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales at nagpamalas ng husay nina Jean Garcia at Eula Valdez.

Ang magsasabuhay muli ng characters nina Jean at Eula ay sina Jodi Sta. Maria sa role ni Eula at si Angelica Panganiban sa role ni Jean.

Kung ang teen love­team nina Kath at Daniel ang unang pasabog sa TV ng Kapamilya Network, nabalitaan naman namin na ang movie nina James Reid at Nadine Lustre ang buwena-manong handog ng Star Cinema. Altough legitimately Viva contract artists, may kontrata rin ang dalawa sa ABS-CBN and Star Cinema.

Hindi nga lang puwedeng mag-exchange deal ang Viva at Star Cinema, huh! Tutal naman, kasosyo rin ang Viva sa James-Nadine movie for sure!

Baka mas malakas ang hatak ng Ja-Dine love­team kesa sa ibang loveteams ng ABS-CBN kaya ang movie nila ang isasalang sa unang buwan ng 2015. May chance, ‘di ba Salve A?

Taob ang ibang mga ikakasal bridal shower ni Marian live pa ang coverage

Kung pictures lang at walang mga detalye ang nakaraang bridal showers ni Marian Rivera, aba, itong bridal shower na handog sa kanya ng Eat Bulaga ngayong Sabado ay live na mapapanood, huh!

Taob nga kay Yan Yan ang mga shower at kasal ng ibang celebrities. Non-stop ang Royal Bride sa pagpapaalam sa pagkadalaga, showbiz man o hindi showbiz, ang nag-organisa nito.

Pero kahit abala sa preparasyon sa kasal, nagagawa pa nila ni Dingdong Dantes na maglaan ng oras sa charity works. Just recently, ang pagbibigay ng Pa­masko sa mga batang may kapansan ang ginawa nila.

Maging sa covers ng magazines, nag-uunahan ang lahat kay Marian. Sa isang magazine na kalalabas, take note na apat na bridal gowns ang suot niya sa cover, huh!

Kaya naman ‘yung mga ikakasal diyan, huwag nang sumabay sa publicity kina Marian at Dong at hindi kayo mapapansin, ‘no?

Arjo nagpaalam muna sa mga magulang bago nagladlad!

Nakipagbalitaktakan muna ang young actor na si Arjo Atayde sa mga magulang bago siya pinayagan tanggapin ang gay role sa Dos Por Dos episode ng Maalaala Mo Kaya? Duda rin kasi siyang baka hindi niya maitawid ang requirements ng role dahil nga lalaking-lalaki ang dating niya.

Gusto ng madir niyang si Sylvia Sanchez na tanggapin ang role. Pero ang father niya ay umayaw dahil baka hindi niya makayanan. Eh, nang finally tanggapin niya ang lead role, hindi naman siya nagkamali ng desisyon dahil nanalo siya sa nakaraang Star Awards for Movies sa Best Single Performance by an Actor.

Wala sa bansa ngayon si Arjo dahil kasama siyang umalis ng ina patungong Amerika para dumalo sa kasal ng family friend na sina Aiza Seguerra at Liza Dino. Pero bago umalis, muli siyang gumawa ng episode sa MMK kung saan ang role niya ay isang pari na na-in love sa isang madre sa episode na Padre Loves Madre.

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

ANGELICA PANGANIBAN

ARJO

ARJO ATAYDE

BEST SINGLE PERFORMANCE

DANIEL PADILLA

DINGDONG DANTES

PERO

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with