^

Pang Movies

Yasmien nanganganib na ‘di maipakikilala ang asawa’t anak sa ama na nasa Kuwait

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Matutuloy kaya ang alis nila Yasmien Kurdi papuntang Kuwait sa Dec. 23 kasama ang kanyang baby at asawa? Bale ba first time mami-meet ng husband at baby niya ang daddy ni Yasmien kaya excited ito na tiyak daw magi­ging emotional ang reunion nilang mag-anak.

Pero nabahiran ng tensyon ang bakasyon nila Yasmien dahil nasunog ang storage room ng kanilang condo last Thursday. Sana, hindi kasama ang passport at ibang mahahalagang papeles na kakailanganin nila sa pag-travel abroad. Sa Dec. 27 kasi, tutuloy din sila ng Dubai kung saan sila magpapalipas ng New Year.

Malaking hassle at abala kung pati passport nila ay nasama sa mga nasunog na dokumento.

Two years old na ang baby ni Yasmien na nag-birthday last week kaya excited siyang ipakita ito sa kanyang daddy sa Kuwait. Kantahan daw ang bonding nilang mag-ina habang naliligo ang baby niya sa bath tub.

Tuloy pa rin ang work ni Nadine sa Yagit na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes. Natapos na rin ang kanyang voice therapy kaya okey na raw ang lalamunan niya na dumaan sa modulation process. Bawal lang siyang sumigaw. Wish niya na matuloy na next year ang pagkakaroon niya ng album.

vuukle comment

BAWAL

BIYERNES

DUBAI

KANTAHAN

MALAKING

NEW YEAR

SA DEC

YASMIEN

YASMIEN KURDI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with