^

Pang Movies

Prediction ng marami: Pelikula ni Vic magna-no. 1

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Marami na ang nagpe-predict na magiging num­ber one sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang official entry na My Big Bossing na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon.

Kahit nga malalakas din ang mga kalaban nila sa MMFF tulad ng pelikula ni Vice Ganda na Praybeyt Benjamin 2 at ang Feng Shui ni Kris Aquino, iba pa rin daw ang dala ng My Big Bossing dahil sa strength ng show na Eat Bulaga.

Humble naman si Bossing Vic in saying na never naman daw siyang nagsabi na magiging number one sila. Hindi raw sa kanya manggagaling kung sila ang magiging top-grosser sa MMFF.

“Pabayaan natin na ang mga manonood ang magsabi niyan dahil sila naman ang magbabayad sa sinehan, ‘di ba?

“Tsaka depende din ‘yan sa feedback ng mga tao.

“Pero ang Pasko naman talaga ay para sa buong pamilya. Lalabas ang mga ‘yan para manood ng sine at gusto nilang ma-entertain. Family bonding lang.

“Kaya siguro nga ay perfect ang movie namin dahil bukod sa mga matatanda ay may mga bata kami dito. Matutuwa sila kina Ryzza Mae at Alonzo Muhlach. Pakikiligin din kayo ng dalawang ‘yan,” ngiti pa ni Bossing Vic.

Isang trilogy nga ang My Big Bossing kaya kumpletos rekados nga raw ang pelikula nila kung ang hanap ay comedy, horror at adventure.

Kahit first time sa bansa American-Latina actress Gina Rodriguez nagulat sa mainit na pagtanggap ng mga Pinoy

Tahimik na bumisita sa Pilipinas ang bida ng hit US dramedy series na Jane The Virgin na si Gina Rodriguez.

Nataon na nakabakasyon ang Ame­rican-Latina actress mula sa kanyang pag-shoot ng series at gusto nitong ma­kilala ang ilang press people mula sa Pilipinas.

“I had a two-week Thanksgiving vacation, so I decided to take a rest in Asia. I actually went to Macau and watched Manny Pacquiao. He’s my favorite and it’s the first time I actually saw it live and met him in person,” kuwento pa ni Gina.

Ang ama kasi ni Gina na si Genaro Rodriguez ang boxing referee sa naturang laban na iyon ni Pacquiao kay Chris Algieri.

“My dad has refereed three times for Manny Pacquiao. This year, he’s going to retire and that was his last time to referee a fight. So I really flew to Macau to watch it.”

Naisip nga ni Gina na since nasa Asia na siya, gusto niyang makilala ang ilang mga press sa Manila. First time nga niyang bumisita sa Pilipinas at gusto niyang i-promote ang kanyang show na umeere sa Sony Channel Asia.

“I heard so much of the Philippines and I was really excited to meet some people even on such short notice.

“From the time I arrived, I already felt the warm welcome of your people. Many actually know who I am and they watch Jane The Virgin.

“I am so touched and overwhelmed by the love I have been receiving since I got here,” ngiti pa niya. Ipinanganak sa Chicago, Illinois si Gina at galing siya sa isang Puerto Rican family. Nakapag-aral siya ng theater sa Columbian University at sa Tisch School for the Arts in New York City. Isang ring professional salsa dancer si Gina.

Nasubukan na ni Gina ang thea­ter at sa TV naman ay nabigyan siya ng role sa daytime soap na The Bold and the Beautiful.

Gumawa rin ng ilang pelikula si Gina tulad ng Our Family Wedding, Swimming With the Fishes, Calling It Quits at iba pa.

Ang Jane The Virgin ang unang pagbibida niya at naging instant hit ito. Tinawag nga siya ng mga critics na “the next big thing” at napasama siya sa listahan ng 35 Outstanding Latinos Under The Age of 35.

Boyfriend ni Gina ang aktor na si Henri Esteve na lumalabas naman sa drama series na Revenge. Kasama ni Gina si Henri sa kanyang pagbisita rito sa Pilipinas.

vuukle comment

ALONZO MUHLACH

BOSSING VIC

GINA

GINA RODRIGUEZ

JANE THE VIRGIN

MY BIG BOSSING

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with