^

Pang Movies

Aiko nakokonsensiya pa rin ‘pag naalalang siya ang dahilan sa pagkamatay ng ama

- Vinia Vivar - Pang-masa

May kanya-kanyang moment ang mga cast ng Gift Giver episode ng Give Love on Christmas special na sina Aiko Melendez, Dimples Romana, at ang child actor na si Louise Abuel sa press preview and presscon na ginanap last Tuesday.

Ang kuwento kasi ng Gift Giver ay tungkol sa isang ama (played by Eddie Garcia) na nasa dapit-hapon na ang buhay at may mga anak na lumayo ang loob sa kanya.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na years ago ay pumanaw na ang ama ni Aiko na dati ring aktor, si Jimi Melendez. At si Dimples naman, she revealed sa presscon na namatay ang kanyang ama when she was 16 years old.

Kaya nang matanong ang dalawa kung may regret ba sila bilang anak sa kanilang ama, pareho silang naging emotional habang nagkukuwento.

Ayon kay Aiko, namatay daw ang kanyang ama habang nanonood ng kanyang pelikula na Maalaala Mo Kaya, The Movie sa Cinema One channel sa TV.

“Pinananood niya ‘yung MMK, The Movie. Na-choke ‘yung Papa ko dahil naiyak siya sa eksena sa movie ko. So, I missed him by 5 minutes sa hospital.

“So, ‘yung pakiramdam ko na parang ganu’n pala ako kamahal ng tatay ko. Akala ko kasi nung iniwan niya kami noong bata kami, ipinagpalit sa ibang pamilya, dinenay na may anak siya, kasi ‘di ba dati, ang uso, ‘pag matinee idol ka, wala kang anak. “That’s why nga nu’ng ni-launch akong una, Aiko Paredes ang aking apelyido, hindi Melendez kasi nga, sabi ng tatay ko, hindi puwedeng malaman na kami ‘yung unang pamilya. So, hindi maganda ‘yung naging relationship namin,” kuwento ni Aiko.

Pero bago naman daw namatay ang ama niya ay naging okay na sila.

“Hindi kami naging okay noong una, pero ‘yung regret ko is nu’ng naging okay na kami, three months after, kinuha siya ni Lord sa buhay ko.

“So, nag-Hong Kong kami, ipinasyal ko siya, lahat, so nandun na ‘yung bonding namin ng tatay ko ulit. ‘Yung regret ko, ‘yung question ko dati, kaya nga medyo siguro, ‘yung pagkakaiba ng personality ko dati hanggang sa ngayon is ‘yung bakit ganu’n, kung kelan lahat okay na, du’n pa kinuha si Papa?” umiiyak na kuwento ni Aiko.

When her father died while watching her film, nagkaroon siya ng guilt feeling at pakiramdam niya, namatay ang tatay niya dahil sa kanya.

“So for a time, bitbit ko ‘yun (guilt feeling). Kaya nung in-offer sa akin itong Gift Giver, sabi ko, “para sa ‘yo ‘to Papa, kasi. . .” hindi na naituloy ni Aiko ang sasabihin dahil sa sobrang iyak.

Nagbiro na lang siya tuloy na “sandali, baka ang cause of death ko naman, ako naman ang (ma-choke) at sumunod sa tatay ko.”

Nagkatawanan na lang ang entertainment press although ramdam na ramdam ng marami ang pain ni Aiko.

Super-cry din si Dimples when it was her turn dahil biglaan din pala ang pagkamatay ng kanyang ama dahil naman sa aneurism.

Kaya kung may regret daw siya, ito ay sana, nagkaroon pa siya ng maraming oras para maipakita sa kanyang ama kung gaano niya ito kamahal.

Si Louise naman ay umiyak din nang ikwento ang pagpanaw ng kanyang lola this year lang kaya sariwa pa sa bata ang sakit na nararamdaman.

Ayon kay Louise, kapag may mabibigat daw na eksena sa Gift Giver at kailangan niyang umiyak, ang alaala ng kanyang lola sa hospital na nahihirapang huminga ang kanyang naiisip.

Magsisimula na sa Lunes, December 1 ang Gift Giver episode bilang kapalit ng Be Careful with My Heart. Bale tatlong episodes ang Christmas special na ito at two weeks na tatakbo each episode. Ang second episode ay pagbibidahan nina Maja Salvador at Gerald Anderson at third episode naman sina Paulo Avelino at KC Concepcion.

Kasama rin sa Gift Giver si Carlo Aquino mula sa direksyon ni Jerome Pobocan.

AIKO

AIKO MELENDEZ

AMA

GIFT GIVER

KANYANG

KAYA

NAMAN

SIYA

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with