Marvin ipinagluluto ng almusal ang mga anak
Masaya at honored si Marvin Agustin dahil siya ang napiling mag-endorse ng librong pambata na may pamagat na Ang Alamat ng Matibay na bagong advocacy ng Bear Brand Powdered Milk Drink na nagkaroon ng launching last Wednesday sa Museong Pambata. Ito ay para isulong ang paghubog ng tibay ng kalooban para sa ating mga bata habang lumalaki na silang sinasabing mamumuno ng ating bayan.
Ang libro ay kuwento ng batang si Mina at kung paano haharapin ang mga hamon at takot tulad ng mga nararanasan ng isang batang paslit sa kasalukuyang panahon at paano magkaroon ng tibay ng loob sa tulong ng kanyang kaibigan na si Anino.
Swak agad ang mga pinagdaanan ni Marvin sa buhay sa kuwento ng libro - kung paano niya nalampasan ang challenges at napagtagumpayan ang pagiging waiter hanggang maging aktor, chef, at pagiging sports minded pero patuloy ang paglalakbay at pagdiskubre ng mga puwedeng gawin para sa kanyang ikatatagumpay.
Gustung-gusto ni Marvin ang campaign dahil ibinabalik nito ang interes sa libro. Pagbabasa ng libro ang isa sa itinuturo ng aktor sa kanyang kambal na 9 years old na anak na sina Santiago at Sebastian na kung paano magkaroon ng tibay ng kalooban sa kung anumang pagdaraanan nito.
Natutuwa si Marvin dahil kasabay niya ang kambal sa kanilang reading time na na-i-enjoy ng aktor.
Excited din si Marvin gumising sa umaga dahil siya ang naghahanda ng breakfast at baon para kina Sebastian at Santiago. Active rin sa sports ang dalawa niyang anak na mga player ng baseball sa school nito sa La Salle. Sosyal din ang mga anak ni Marvin dahil golf ang isa sa bonding nilang mag-aama.
Proud si Marvin dahil ipinagmamalaki ng kambal na the best chef daw ang daddy nila pagdating sa pagluto ng medium rare steak, na ayaw maniwala ng mga classmate ng mga anak niya dahil actor lang ang pagkilala nila sa daddy ng kambal at hindi chef. Para patunayan na hindi lang actor ang daddy nila kundi chef din, nagpaluto ang kambal ng medium rare steak na isi-share ng mga bagets sa kanilang mga classmate.
Samantala, Ang Alamat ng Matibay na libro ay isang donation book na ang target ay bigyan ang mga public school students sa buong bansa. Mabibili ito sa National Bookstore simula December 15, sa halagang P198. Ang libro ay pinamamahagi ng Bear Brand Powdered ka-partner ang National Bookstore na puwedeng lagyan ng dedication or messages para sa makakatanggap ng libro bago ito i-donate sa National Bookstore outlets na sila naman ang magdadala sa mga public school na puwede rin namang gawing panregalo.
- Latest