^

Pang Movies

JM nagpakatanga raw sa ex na si Jessy

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Kinilala ang husay sa pag-arte ni Angelica Panganiban – siya ang nanalong Best Actress sa pelikulang That Thing Called Tadhana - sa 2014 Cinema One Originals na may theme na Intense. Ginanap ang awards night last Sunday sa Dolphy Theater.

Nasa bakasyon pa si Angelica kasama ng dyowa niyang si John Lloyd Cruz sa U.S. pero nag-post agad ang aktres ng mensahe ng pasasalamat sa kanyang pagkapanalo. Sinabi rin ni Angelica sa isang interview na talagang kinulit niya si Direk Antoinette Jadaone para mapunta sa kanya ang role ni Mace. Dahil feeling niya, destiny talaga sa kanya ang nasabing character.

Tumpak naman si Angelica dahil siya nga ang nanalong best actress kahit mabigat ang dalawang nakalaban niyang sina Sharmaine Buencamino sa pelikulang Lorna at Mimi Juareza sa Seoul Mates.

Pero bakit kaya hindi man lang nominated si JM de Guzman sa kategor­yang Best Actor na ka-partner ni Angelica sa nasabing movie?

Naunang sinabi ng aktor na intimidated siya kay Angelica nang gawin nila ang indie film dahil ang galing daw umarte ng aktres sa kanilang movie. Tama ang sabi ni Ange­lica na ginagaya lang siya ni JM sa pelikula dahil pati sa  poster ng Tadhana… ay iisa ang pose nila na parehong nakangiting  nakatunghod.

Sinabi rin ni JM na kapag in love ay may lisensyang magpakatanga. Ganun daw talaga kapag nagmahal lalo pa’t broken hearted.

Siguradong maraming bigo sa pag-ibig ang naka-relate sa movie nila. Kaya nagpakatanga rin daw siya sa ex niyang si Jessy Mendiola.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

BEST ACTOR

BEST ACTRESS

CINEMA ONE ORIGINALS

DIREK ANTOINETTE JADAONE

DOLPHY THEATER

JESSY MENDIOLA

JOHN LLOYD CRUZ

MIMI JUAREZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with