^

Pang Movies

Aktor na pinakinis ng dating manager, buhay prinsipe sa piling ng madatung na foreigner

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Ang laki pala nang ginastos ng isang gay manager sa kanyang guwapong discovery dahil pinakinis niya ito nang husto. Buong katawan, pati na raw mga singit nito na maiitim ay pinagawang pakinisin ng gay manager sa tulong ng kanyang kaibigan na dermatologist.

Imbes nga na ex-deal ay pinabayad tuloy ang gay manager dahil mala­king hirap daw ang dinanas ng kanyang mga tauhan para gumanda ang kutis ng kanyang alaga.

“Grabe kasi ang kutis ng bagets na ‘yan,” kuwento ng aming source. “Guwapo nga pero patung-patong ang mga dead skin. Laki kasi sa probinsya kaya hindi uso ang maghilod ng balat. Sa may ilog pa raw kasi ito naliligo kaya pati dumi ng ilog humawa na sa balat niya.”

Ang tatay kasi ng bagets ay mambubukid samantalang ang ina nito ay tumutulong lang sa barangay hall. Minsan daw ay kasama si bagets na nag-aararo sa bukid.

“Kaya pala hindi pantay-pantay ang kulay ng balat ng bagets na ‘yan. Babad sa init ng araw. Kailangan talaga i-skin peeling namin siya para gumanda ang kulay niya,” patuloy na kuwento ng aming source.

Noong umayos na nga ang hitsura ng bagets, marami ang nagka­interes dito, hindi para kuning artista kundi para gawing papa.

Ang latest nga na chika ay iniwan na nga ng bagets ang manager na nagpakinis sa kanya at sumama sa isang mayamang foreigner na ibinabahay na siya sa sarili niyang condo unit with matching sasakyan at lifetime gym membership.

Kahit nga lumabas-labas na sa ilang shows ang bagets, hindi na siya interesadong maging artista pa dahil buhay prinsipe siya sa nag-aalaga sa kanyang afam.

Kaya ang manager na gumastos sa kanya para magmukha siyang tao ay kinukuwenta na ang mga ginastos niya sa bagets dahil sisingilin niya ito.

Daniel at Kathryn hindi lumalabas ng hotel noong nasa Canada

Si John “Sweet” Lapus nga ang magpapatunay na hindi totoo ang kumalat na kissing photos nila Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Kuha sa isang airport sa Canada ang naturang kissing photos ng loveteam na KathNiel na kumalat sa social media.

Ayon pa kay Sweet, magkakasama nga sila nila Kathryn, Daniel, at Kim Chiu sa four-city show ng Kapamilya network na One Magical Night in Canada. Halos araw-araw daw ay magkakasama silang apat kaya wala raw puwedeng maganap na milagro.

“Yung mga photos naman, akala mo lang naghahalikan sila. Pero pinanggigigilan lang ni DJ si Kath. Hindi naman sila puwedeng basta maghalikan ng gano’n in public.

“Tsaka kasama rin namin ang mommy ni Kath pati na auntie ni DJ. Kaya bantay-sarado ang mga bagets,” sey pa ni Sweet.

Sobrang successful nga ang One Magical Night tour nila sa Canada. Saksi si Sweet sa pagdumog ng mga Pinoy fans sa Toronto, Edmonton, Vancouver, at Winnipeg sa KathNiel loveteam.

“Lahat ng shows namin doon ay punung-puno. Sold out lahat.

“Grabe ang pagtanggap ng mga kababa­yan natin doon sa loveteam nila Kath at DJ. As in, nagwawala sila kapag nasa stage na ang dalawa.

“At siyempre, nagpapasalamat ako at muli akong nakasama sa tour na ito. In fairness, marami ring naka-miss sa akin!” tawa pa ni Sweet.

Dahil nga sa fans, hindi nga raw makalabas ng hotel sila Kathryn at Daniel.

“Naawa nga ako sa mga bagets kasi hindi sila makapasyal dahil dinudumog sila ng fans. Hindi tuloy ma-enjoy ng mga bata ang bakasyon nila.

“Kaya hanggang sa loob na lang sila ng hotel. Tina-timing-an na lang namin kapag walang masyadong tao sa labas.”

Balik-trabaho nga si Sweet after ng tour sa Canada. May sisimulan siyang bagong teleserye at may pelikula siya sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF) na Shake, Rattle & Roll XV.

“First of all, maraming salamat sa mga nanood ng Moron 5.2 The Transformation. Talagang natuwa ako nang mabalitaan kong box-office hit siya.

“Sa December 25 naman ay nagbabalik ako sa SSR XV. Pero hindi lang ako nasa isang episode kundi sa tatlong episodes. First time itong ginawa ng SSR series. Kasama ako sa episode na Ahas, Ulam, at Flight 666.

“Matagal din akong walang pelikula sa MMFF kaya sulit na sulit sila sa akin sa SSR XV!”

Justin problemado sa bayad sa bahay na binaboy ng ama

Hindi lang pala lovelife ang problema ng Canadian pop singer na si Justin Bieber kundi pati pala ang kanyang sariling ama.

Kailan lang ay nakatanggap si Bieber ng mensahe mula sa landlord ng kanyang amang si Jeremy Bieber at nagbabanta itong ipakukulong ang kanyang ama dahil sa ginawang pambababoy nito sa kanyang bahay na inupahan nito.

Si Justin ang nagbabayad sa renta ng bahay na inuupahan ng kanyang ama sa Kitchener, Ontario, Canada since 2011 for $1,650 a month. Noong iwan nga raw ito ng kanyang ama noong 2012 nagkalat daw ang mga basura sa loob ng bahay at nangangamoy dumi ng aso ang buong bahay.

Sinira pa raw nito ang toilet dahil nabarahan ito ng kung anu-anong basura.

Pinadalhan nga ng landlord si Jeremy Bieber ng bill na nagkakahalaga ng $12,852.93.

Kung hindi nga raw ito ise-settle ng ama ni Bieber, ipakukulong nga raw niya ito for damage to property.

Pinadala nga kay Justin ng landlord ang mga legal documents at pati na mga photos ng binaboy na bahay ni Jeremy Bieber. Wala namang choice ang singer kundi ayusin ang kalat ng kanyang sariling ama.

vuukle comment

BAGETS

DAHIL

JEREMY BIEBER

KANYANG

KAYA

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with