^

Pang Movies

‘Panloloko’ kay Alfred Vargas ng indie direktor naungkat matapos ang ginawa nitong panlalait

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Sa totoo lang, hindi ko kilala ang indie director na si Auraeus Solito . Narinig ko lang ang pangalan niya dahil sa isyu ng kanyang pagsasabi na cheap ang mga tabloid writer.

I’m sure, nagsisisi na si Solito dahil naging taklesa siya kaya lumalabas na ang maraming kuwento tungkol sa kanya.

Siya pala ang indie director na pinagkatiwalaan ni Quezon City Congressman Alfred Vargas.

Nag-invest si Alfred ng datung sa indie movie na Busong na si Solito ang direktor pero hindi bumalik ang kanyang puhunan.

Ni ha, ni ho, wala nang narinig si Alfred mula kay Solito. Hindi na rin ­siya makontak o matawagan sa telepono.

Matagal nang nangyari ang insidente pero naungkat ito dahil sa pang-aalipusta ni Solito sa mga tabloid writer.

Sa totoo lang, pinag-aaksayahan ng panahon ng tabloid writers si Solito kaya hindi na siya “the who!”

‘Yun nga lang, nakikilala si Solito sa negative at hindi sa positive na paraan.

Nag-apologize na si Solito pero huli na ang lahat. Kinamumuhian na siya ng mga tabloid writer at tiyak na makakaapekto ito sa kanyang future indie movies. Asahan natin na marami pa ang reklamo laban kay Solito na lilitaw dahil sa mababa na pagtingin niya sa tabloid writers.

Baguhang produ nalugi sa kinapitalang pelikula

Hindi pala kumita sa takilya ang isang pelikula at ikinalungkot ko ang balita dahil nag-invest sa project ang dear friend ko.

Lesson sa kaibigan ko ang nangyari. Sa susunod, huwag na siyang mag-invest sa pelikula dahil limitado ang kaalaman niya sa movie business.

Mag-concentrate na lang siya sa kanyang negosyo na gamay na gamay niya kaya very successful as in hindi nawawalan ng mga kliyente.

Sen. Bong bawal kausapin sa hospital

Hindi puwedeng dalawin si Senator Bong Revilla, Jr. sa St. Luke’s Hospital sa darating na Lunes at Martes.

Pupunta lamang si Bong sa ospital para sa kanyang medical check up. Hindi siya puwedeng interbyuhin at lalong bawal interbyuhin si Bong.

Biniro ko nga si Bong nang magkita kami kahapon sa PNP Custodial Center. Sinabi ko sa kanya na baka magkaroon siya ng sipon dahil hindi na sanay ang kanyang katawan sa airconditioned room.

Sa susunod na buwan, halos kalahating taon nang nakakulong sina Bong at Senator Jing­goy Estrada sa PNP Custodial Center. Ganyan kabilis ang panahon.

Pinapayagan sina Bong at Papa Jinggoy na magbasa ng diyaryo sa kanilang kulungan.

Natuwa ako nang makita ko ang mga kopya ng Philippine Star, PSN (Pili­pino Star NGAYON), at PM Pang Masa sa visitor’s lounge. Confir­med na nagbabasa ng mga diyaryo ng Star Publications sina Bong at Papa Jing­goy kaya updated sila sa lahat ng mga nangyayari sa labas ng Camp Crame.

Eh parehong si Bong ang headline kahapon sa PSN at PM. Ito ‘yung balita na kinumpirma ng isang senior document examiner ng NBI na peke ang pirma ni Bong sa mga dokumento ng pork barrel fund scam.

Since Day One, consistent si Bong sa kanyang mga pahayag na pineke ang mga pirma niya at pinatotohanan ito ng NBI. Tameme ang mga naninira kay Bong dahil sa paglabas ng katotohanan.

ALFRED VARGAS

BONG

CUSTODIAL CENTER

DAHIL

SIYA

SOLITO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with