^

Pang Movies

Pacman tuloy ang pagpapatayo ng sariling simbahan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

The Work for Every­one Movement ang name ng simbahan na ipinatayo ni Congressman Manny Pacquiao sa  General Santos City.

Wala na talagang atrasan ang pagiging Pastor ni Papa Manny dahil sa simbahan na siguradong marami ang makukumbinsi na ma­ging miyembro. Open ang simbahan ni Papa Manny para sa lahat ng mga gusto na pag-aralan at higit na maintindihan ang Holy Bible.

Malaki ang ipinagbago ng ugali ni Papa Manny mula nang yakapin niya ang Christian religion. Tinalikuran ng Pambansang Kamao ang masasamang bisyo at tumulong siya sa pagpapalaganap sa mga salita ng Diyos. Pinakamasaya sa transformation ni Papa Manny ang kanyang misis na si Jinkee Pacquiao.

Nagkamali ang hula  ng mga  nagdunong-dunu­ngan at nagsabi na pakitang-tao lamang  ang pagbabagong-buhay ni Papa Manny.

Kinain nila ang  mga pralala at panghuhusga kay Papa Manny na haharap uli sa isang malaking laban sa November 22 sa Macau, China.

Ipagdasal natin ang tagumpay ni Papa Manny sa boxing match nila ni Chris Algieri, ang American boxer na humahamon sa kanya.

Bilib ako kay Manay Marichu Maceda dahil masipag siya na mag-remind tungkol sa grand reu­nion ng mga artista noong dekada ’50, ’60, at ’70.

With Manay Ichu around, siguradong magiging successful ang big project ni Papa Joseph Estrada para sa mga kasamahan niya sa movie industry.

Marami na ang nag-confirm ng kanilang pagdalo sa grand reunion na mangyayari sa linggong ito. Pati ang mga artista na hindi na active sa showbiz at gumagamit na ng mga wheelchair, nagpasabi na darating sila.

Hindi naman problema ang pagpunta sa second floor ng sosyal na venue dahil may elevator na magagamit ang mga hirap nang umakyat sa  mataas na hagdan.

Bf ni Aiai hindi nanghingi ng perang pambili ng regalo

Gucci bag ang birthday gift kay AiAi Delas Alas ng kanyang boyfriend na si Gerald Sibayan.

Of course, na-appreciate nang husto ni AiAi ang regalo ni Gerald at tinitiyak niya na hindi galing sa kanya ang datung na ipinambili ng bag.

Mas isang clueless reporter na kinumusta kay AiAi ang special friendship nito sa isang struggling male starlet.

Naloka ang mga nakarinig sa question ng reporter na huli sa balita. Open book sa publiko ang lovelife ni AiAi at ilang buwan nang news ang relasyon niya kay Gerald kaya nakapagtataka na walang alam ang reporter na malakas ang loob na magtanong.

Amy natupad na ang pangarap na kasal

Dumalo kahapon si Lorna Tolentino sa garden wedding nina Amy Perez at Carlo Castillo sa The Mango Farm sa malayong lugar ng Antipolo City.

Hindi puwedeng mawala si LT sa important day para kay Amy dahil magpinsan sila. Sa tulong ng kanyang camera cell phone, na-capture ni LT ang special moments sa buhay ng bagong kasal.

As expected, napaluha si Amy sa wedding vows nila ni Carlo dahil matagal ­nilang hinintay ang araw na makasal sila.

Ang akala nga ng lahat, hindi na magi­ging bride si Amy dahil nagkaroon noon ng problema sa annulment case nila ng kanyang ex-husband na si Brix Ferraris.

Pero all’s well that ends well dahil na­ayos ang gusot at natupad ang dream niya na maging legal wife ni Carlo.

Base sa red rubber shoes na suot nina Amy atCarlo, red ang motif ng garden wedding nila.

vuukle comment

AMY PEREZ

ANTIPOLO CITY

BRIX FERRARIS

CARLO CASTILLO

MANNY

PAPA

PAPA MANNY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with