^

Pang Movies

Charice pinatalsik ang manager, may anomalya raw sa pera!

SO...CHISIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nakahanap na si Charice Pempengco ng bago niyang manager at ito ay si Courtney Blooding.

Naging road manager at personal assistant ito ni Charice kaya ito na ang kinuha niyang mag-asikaso ng kanyang mga magiging trabaho.

Kamakailan ay tsinugi ni Charice ang kanyang manager na si Glenn Aldueza. Ito ang pumalit sa dati niyang manager na si Grace Mendoza.

May kinalaman daw sa pera kung bakit tsinugi niya si Aldueza. Kabilang daw sa anomalyang ginawa ni Aldueza ay ang hindi pagbayad nito sa memorial lot na kinuha ni Charice para sa kanyang namayapang ama sa Cabuyao, Laguna.

Heto ang naging tweet ni Charice:

“Hello everyone, Just letting you know that Mr. Glenn Aldueza is no longer my Manager.

“My apologies to all the people who have been trying to contact the management and getting no answers.

“We are going to announce my New Management/Team/Website/Projects as soon as possible and I am very excited about it.

“ You can send your email to [email protected] for bookings, etc. Have a nice day.”

Derek todo ang pakiki-bonding sa anak

Nagsalita na si Derek Ramsay tungkol sa pagkakaayos nila ng kanyang estranged wife na si Mary Christine Jolly at ang hangad niyang maging maayos na ang relasyon niya sa kanyang 11-year old son na si Austin.

“I’m lost for words. I got an opportunity to see my son now for more than one hour.

“He said a lot of things that melted my heart, great things. ‘Di ba, alam naman natin ‘yung sulat na he hates me? That’s not what he said to me when we spent time together.

“He’s a great kid, a smart kid. I know we’re taking baby steps. But in the few times that I’ve seen him, we’ve taken huge leaps in creating a father and son bond,” pahayag pa ni Derek.

Ngayon nga raw at naaayos na ang problema nila ng ina ni Austin, gusto ni Derek na punuan ang mga pagkukulang niya sa kanyang anak.

“I’m excited to see him and spend all day with him. Maybe we’re gonna look for a dog. He wants a dog.

“Basically, we’ll do whatever he wants to do. We’re taking baby steps. I’m gonna be his friend. And one day work to him calling me dad,” ngiti pa niya.

Nakatakda ngang bumalik na sa Dubai si Austin kasama ang ina nito. Pero humiling ng visitation rights si Derek para makasama niya ang kanyang anak tuwing holidays.

“It’s in the agreement that during the holidays, summer or Christmas, Austin gets to spend two weeks with me. I can go and visit him.

“He could fly in to visit me. I’m positive that everything will be fine. Tingnan na lang natin. I’m crossing my fingers,” pagtatapos pa ni Derek Ramsay.

Anak ni Arnold Schwarzenegger at Miley magdyowa na?!

Balik sa dating si Miley Cyrus at ang nababalitang dine-date niya ngayon ay ang anak ni Arnold Schwarzenegger na si Patrick Schwarzenegger.

Ilang beses na raw nakitang magkasama sina Miley at Patrick. Noong nakaraang Halloween ay nakitang magkasama ang dalawa sa apartment ni Patrick sa Los Angeles.

Nakita rin silang magkasama sa Universal Studio’s Hollywood’s Halloween Horror Nights.

May mga kasama naman daw silang mga kaibigan nila at never naman daw na nagpakita ng PDA (public display of affection) ang dalawa.

Inamin naman ni Patrick noong 2011 sa isang interview with Details magazine na matagal na niyang crush si Miley. Nakapag-date na raw sila noon pero nakipagbalikan daw si Miley sa fiancé niyang si Liam Hemsworth.

Ngayon ay single na ulit si Miley, umasa ng second chance si Patrick kaya nakikita na sila ngayon sa kanilang friendly dates.

vuukle comment

ALDUEZA

ARNOLD SCHWARZENEGGER

CHARICE

CHARICE PEMPENGCO

COURTNEY BLOODING

DEREK

DEREK RAMSAY

GLENN ALDUEZA

MILEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with