^

Pang Movies

Kris minamadali ang shooting para makaabot ang movie sa MMFF

SHOWBIZ UPDATE - Nora Cadleron - Pang-masa

Nag-beg-off man si President Benigno Aquino III na magninong kina Ding­dong Dantes at Marian Rivera, aattend naman siya sa wedding ng Royal Couple. Nasa Instagram (IG) account ni Kris Aquino para sa kanyang mga future inaanaks na naibigay na niya ang invitation sa kapatid at narinig niyang nagbigay na ito ng instructions na i-block-off ang December 30, 2014 para kina Dingdong at Marian.

Decided na rin ang production ng Feng Shui na maka-join sila ng 40th Me­tro Manila Film Festival (MMFF) sa December. November 1 nag-start mag-shooting si Kris under Chito Roño, then November 4 to 21 isisingit lamang ang taping niya ng Abunda & Aquino Tonight at live appearance sa The Buzz kung Sunday. Dapat kasi matapos ang shooting nila sa November 21 para umabot sila sa deadline of submission ng MMFF sa first week of December.

Direk Wenn pinaghahandaan na ang kanyang silver anniversary sa showbiz

No wonder successful ang mga project na ginagawa ni Direk Wenn Deramas. Naikuwento niya ito noong grand presscon ng Moron 5.2 The Transformation na gusto niya, may variety ang kanyang ginagawa. Sa television, gusto niya, dra­ma na may fantasy; sa movie, comedy na may konting drama. Pero ang pinaghahandaan nito ay ang big project niya to cele­brate his 25 years in showbiz next year. A movie na a-appear ang 25 artista na nagtrabaho under him. Bukod pa rito sa paggawa niya ng Tanging Ina 4, dalawa pang movie for Star Cinema at isa sa Viva Films ang nakapila niyang gawin.

Pero sinisiguro ni Direk Wenn na kung nagustu­han ng mga manonood ang first Moron 5, mas ma­gu­gustuhan nila ang Moron 5.2 The Transformation na muling tinatampukan nina Luis Man­zano, Billy Craw­ford, Marvin Agustin, DJ Du­rano, kasama si Matteo Guidicelli at John “Sweet” Lapus. This time, may mga asawa na ang limang moron at siyempre, ang pinakaaabangan, ay kung sino ang makakatambal ni Matteo.

Planong noontime show ng TV5 kanselado na, Quiet Please at Wattpad may bagong season

Malungkot nga ba ang Christmas ng mga ta­lents ng TV5? Balitang cancelled na ang plano nilang magkaroon ng isang noontime show na itatapat sa Eat Bulaga ng GMA 7 at It’s Showtime ng ABS-CBN.  Gimme Gimme 5 daw sana ang title ng show na pamamahalaan ni Kitchie Benedicto, pero ang main reason daw ng cancellation, walang budget na maibigay ang network. Sa ngayon, ang may new sea­son daw na programa ay ang Wattpad Presents, Quiet Please, Bawal ang Maingay, at ibabalik ang Celebrity Dance Battle. Ang The Amazing Race Philippines 2, hosted by Derek Ramsay naman ay matatapos na sa December. Last Sunday, na-eli­mi­nate na ang Team Blondies na sina Tina at Avy Wells matapos na sila ang mangulelat sa last leg ng challenge.

Wala kasing ka-pr-pr sa katawan, aktres hindi mahanapan ng ‘tagapagtanggol’

Nagtatanong daw ang boss na friend ng kaibigan namin kung sino ang pwedeng makuhang publicist ng isang actress para may magtanggol naman laban sa bashers nito? Pero mataray na sagot ng kaibigan namin na walang gustong magtrabaho sa actress dahil siya mismo ay walang ka-pr-pr, kaya paano siya ipagtatanggol ng magtatrabaho sa kanya?

vuukle comment

ANG THE AMAZING RACE PHILIPPINES

AQUINO TONIGHT

AVY WELLS

BILLY CRAW

DIREK WENN

PERO

QUIET PLEASE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with