^

Pang Movies

Dahil hindi binibigyan ng trabaho ng Kapamilya John Lloyd gustong namnamin ang tatlong linggong bakasyon

- Vinia Vivar - Pang-masa

True kaya na isa sa mga tampo ni John Lloyd Cruz sa ABS-CBN ay ang kinalabasan ng pelikula niyang The Trial? Hindi umano masaya si Lloydie sa finished product ng movie dahil napakarami raw na-edit out na mga eksena niya,

‘Yung mga heavy scenes daw ng aktor at mahahabang linya ay kinatay-katay ng direktor na si Chito Rono. Kaya diumano disappointed daw ang aktor dahil siyempre nga naman, pinaghirapan niya ang mga naturang mabibigat na eksena at alam niyang importante sa pelikula.

Pero in fairness, marami ang pumuri sa acting ni Lloydie sa The Trial at pagkahusay-husay daw ng aktor sa nasabing pelikula. May na-edit-out pa pala nang lagay na ‘yun?

Anyway, tulad nga ng mga naglabasan na, hindi pa nagre-renew ng kontrata si Lloydie sa ABS-CBN at ayon mismo sa aktor, pagbalik na lang daw niya siguro galing U.S. niya pag-iisipan ang mga bagay na ito.

Nakatakdang umalis si Lloydie ngayong Nobyembre patungong U.S. kasama ang girlfriend na si Angelica Panganiban. Ayon pa sa aktor sa huli niyang panayam, super-excited na siya sa naturang bakasyon dahil mga three weeks din daw silang mawawala at first time niyang magbakasyon nang ga­nito katagal.

Sofia nag-gugwapuhan kay Piolo kesa sa ka-M.U. na si Iñigo

Thankful si Iñigo Pascual na maganda raw ang genes niya at namana niya ang magandang katawan ng amang si Piolo Pascual.

“Fortunately, I was blessed with good genes na I have his (Piolo’s) legs, I have good body naman po, I have abs even without working out, for some reasons, I think that’s a good thing, that’s a plus,” say ni Iñigo na bida sa pelikulang Relaks It’s Just Pag-ibig showing on Nov. 12.

So, pwede siyang rumampa rin sa mga sexy fashion show?

“Why not, pero siguro not right now,” he said.

Natanong din namin kay Iñigo kung ano ang reaksyon ng mommy niya sa pag-aartista niya at ayon sa young actor ay very supportive naman ito.

“She’s happy, alam naman niya po na ito talaga ang gusto kong gawin ever since I was a kid, so she’s very happy, and you know, she’s always there, she’s always watching, she’s always with me wherever I go, and I’m thankful that she’s there,” he said.

Wala ba siyang wishful thinking na sana’y ang Mom and Dad na lang niya ang magkatuluyan?

“Sino namang anak po ang hindi gusto ‘yun? ‘Yun lang po,” he said.

Tungkol naman sa kanyang love life, inamin ni Iñigo na may special nga silang pagtitinginan ng leading lady niya sa Relaks It’s Just Pag-ibig na si Sofia Andres.

“We’re closer than friends, we have this special relationship, we have this bonding na we both know na there’s something, but you know, we’re still young, we should not focus on that kind of stuff yet, pero we are talking like we have something between us for sure, we’re not taking it seriously, we’re not focusing on that, we’re not making it a priority but we both know where we stand,” mahabang paliwanag ni Iñigo.

So, ano ang relasyon nila? Nililigawan ba niya or M.U. na sila?

“M.U., mutual understanding,” he said.

Samantala, nakausap din namin si Sofia at pareho naman sila ng statement ni Iñigo na mag-M.U. nga sila. Hindi masabi ng pretty newcomer kung ilang months na silang M.U. pero bago pa lang daw.

Na-meet na raw niya si Piolo at siyempre, sobrang na-starstruck daw siya talaga. Papa P rin daw ang tawag niya sa ama ni Iñigo. When asked kung sino ang mas guwapo, ang tatay ba o ang anak, aniya ay ang tatay daw. Ha-ha-ha!

vuukle comment

DAW

IGO

JUST PAG

LLOYDIE

NIYA

PIOLO

PLUSMN

RELAKS IT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with